Ara Mina nangakong bibigyan ng anak ang asawa sa 2024

Ara Mina nangakong bibigyan ng anak ang asawa sa 2024: ‘Gusto ko baby boy!’

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Ara Mina nangakong bibigyan ng anak ang asawa sa 2024: ‘Gusto ko baby boy!’

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 08:20 AM

Ara Mina nangakong bibigyan ng anak ang asawa sa 2024: 'Gusto ko baby boy!'

Ara Mina at Dave Almarinez

NANGAKO ang award-winning actress na si Ara Mina sa kanyang mister na si Dave Almarinez na bibigyan na niya ito ng anak next year.

Aminado si Ara na medyo naging busy siya talaga ngayong 2023 dahil sa dami ng natanguan niyang commitments kaya naman nais niyang bumawi kay Dave sa darating na 2024.

Gustung-gusto na rin naman daw niyang magkaroon pa ng isang anak kaya kakaririn na nila itong mag-asawa sa susunod na taon.

Sa guesting ng aktres sa “Magandang Buhay” last Thursday, gusto niya na maging baby boy ang anak nila ni Dave, “Yun ang ini-aim ko talaga, boy.”

May isa nang anak si Ara sa dating karelasyon, si Mandy habang may anak na rin si Dave sa former partner nito, si Kirsten, na kasama pa ni Ara sa “Magandang Buhay.”

Baka Bet Mo: Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’

Sey ni Kirsten, maganda ang relasyon niya sa kanyang stepmom na si Ara at kung siya ang tatanungin, gusto rin niya na magkaroon ng kapatid.

“That’s definitely so exciting. That’s really fun to have a little baby sibling,” sabi ni Kirsten.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


Samantala, napaiyak naman si Ara nan mapanood ang video message ng kanyang mister na todo ang pagpapasalamat sa kanyang pagmamahal at suporta.

 Baka Bet Mo: Dave Almarinez laging ‘nagre-report’ kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: ‘Sobra ang trust ko sa kanya’

Nag-thank you din ang aktres kay Dave dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho at never daw nilang pinag-awayan ang pagiging artista niya.

“Nakita niya mapagkakatiwalaan niya ako pagdating sa pera kasi never, never akong humingi sa kanya. Never akong ‘bili mo ako, bili mo ako niyan.’

“Ang maganda lang sa kanya ay may kusa siya. Parang binibilhan niya ako ng ganyan, ng ganito. He wants me to be successful,” sabi ni Ara habang tumutulo ang luha.

Dugtong pa niya, “I am very thankful to him. Promise ko naman sa kanya bibigyan ko siya ng baby next year. Pero kung kaya ko pang magtrabaho kahit na (buntis pa) oo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ara at Dave noong June, 2021 na ginanap sa Baguio City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending