Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco, Julia

Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’

Reggee Bonoan |July 23,2023
facebook
share this

Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’

Reggee Bonoan - July 23, 2023 - 11:37 AM

Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: 'I’m happy for him dahil open na sila...'

Ara Mina, Coco Martin, Julia Montes

HINDI sinasadyang kinumpirma ng “Magandang ARAw” host na si Ara Mina ang relasyon nina Coco Martin at Julia Montes.

Ito ay matapos siyang makapanayam sa vlog ng batikang aktres na si Snooky Serna na in-upload sa YouTube channel nito noong July 22.

May segment sa naturang interview na tinatawag na “Pick A Name” na kung saan ay bubunot si Ara ng mga pangalan ng artistang naging ka-close niya at kailang niyang magsabi ng mga bagay na hindi niya makakalimutan tungkol sa kanila.

At isa nga sa mga nabunot ng TV host-actress ay si Coco.

“Ito si Coco mabait na tao, napakabait niya sa pamilya niya, sa lola niya. His humble beginning, e, hindi rin biro at saka sobrang dedicated siya sa trabaho that’s why ang (FPJ’s) Ang Probinsyano ganu’n ka-click at marami rin siyang gustong tulungan,” sey ni Ara.

Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’

Dire-diretsong chika pa niya, “Hindi alam ng mga tao na marami rin siyang natutulungan na hindi napa-publish o napapa-publicize, so, I’m happy for him dahil open na sila ni Julia na they’re together, tama ba ako? Baka mamaya ako lang nag-announce?”

Matapos ang naging rebelasyon, dedma naman ang naging reaksyon ni Snooky para hindi rin siguro mapansin ng viewers na may ibinuking si Ara, lalo’t hindi rin ito ang titulo ng vlog.

Bale hindi pa totally inaamin nina Julia at Coco ang relasyon nila bilang mag-boyfriend at girlfriend dahil nu’ng minsang nasabi ng aktor na “matagal na silang magkasama” nang dumalo sila sa isang premiere night na programa ng ABS-CBN ay nakuwestiyon siya dahil lumalabas na bata pa noon ang aktres.

Kaya kaagad na itinama na matagal na silang magkasama sa trabaho na totoo naman talaga, pero ‘yung relasyon per se ang mag-dyowa ay wala pa at inunahan na sila ni Ara na kumpirmahin ito.

Sa totoo lang nakakaaliw ang walang malisyang pambubuking ni Ara kina Coco at Julia, ha, ha, ha, ha.

Anyway, napanood namin nu’ng nakaraang Sabado ang pilot episode ng “Magandang ARAw” show ni Ara sa NET25.

Naging guest niya ang hunk actor na si Piolo Pascual at mapapanood na aliw din ang dalawa dahil tinuruan ng aktor ang TV host-actress ng tamang routine ng page-exercise.

Hingal kabayo si Ara sa ipinalasap na exercise sa kanya ni Piolo dahil nga hindi naman sanay ang aktres sa mga ginagawa ng aktor.

Pero ipinakita pa rin ni Ara na kaya niya rin itong gawin basta’t bigyan lang siya ng tamang panahon para ma-perfect ito.

At dahil sa programa ay ilang dekada na ring magkaibigan sina Ara at Piolo na pareho pa silang estudyante noon bago mag-showbiz pa kaya ganu’n daw ang lalim ng friendship nila kahit hindi sila nagkikita at nag-uusap araw-araw.

Isa pang nakapagpa-relax kay Ara ay ang pagtuturo ni Papa P kung paano magtanim ng mga halamang gulay na ayon sa aktor ay doon na siya kumukuha ng mga pangsahog sa mga lulutuin nilang ulam.

Nagustuhan namin ang format ng “Magandang ARAw” show ni Ara na siya mismo ang executive in charge ng production at si Mr. Ceasar Vallejos ang executive producer for NET25.

May payo si Ara sa lahat na in-apply niya sa sarili, never give up, attitude of gratitude, do what make you happy, never stop learning at follow your heart.

Samantala, sinuportahan ni Ara ang kapatid na si Cristine Reyes sa nakaraang screening ng bagong TV series nito na “Minsan Pa Natin Hagkan ang Nakaraan” na ginanap sa Gateway Cinema 1 nitong Biyernes at kasama ang mommy nilang si Ginang Venus Imperial.

Related Chika:

Ara Mina inaming dream come true ang magkaroon ng sariling pamilya: ‘Hindi ko akalain na ikakasal pa pala ako’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending