Ara Mina, Dave Almarinez planong magkaanak sa 2024: ‘I can still get pregnant, age is just a number’
TRABAHO muna ang focus ng batikang aktres na si Ara Mina, lalo na’t nag-uumapaw ngayon ang kanyang mga proyekto.
Pero pagdating daw next year, tutuparin na ni Ara ang kanyang pangako sa mister na si Dave Almarinez na magkaroon na sila ng anak.
‘Yan ang sinabi mismo ng aktres matapos siyang tanungin ng ilang reporters sa kanyang recent press conference para sa upcoming drama film na “Litrato.”
“It’s my choice not to get pregnant this year,” sey niya.
Patuloy niya, “After that, we will concentrate on having a baby. I would love to give him a child.”
“I can still get pregnant. Age is just a number. I have already consulted my doctors and they say I will be fine,” Dadag ni Ara na ngayon ay nasa edad 44 na.
Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’
Aniya pa, “And if I don’t [get pregnant through natural conception], there are alternatives available.”
Nabanggit din ng veteran actress na isang anak lang ang gusto nilang mag-asawa dahil mayroon naman na silang anak mula sa kanilang past relationships.
Sambit niya, “Who knows, I may end up having twins! But just one—mahirap ang buhay ngayon!”
“I already have a daughter; he has one, too. I just want to have a baby boy. Please pray for me!,” tugon pa niya.
Bukod sa nasabing pelikula, si Ara din ang magsisilbing host ng magazine show na “Magandang ARAw” sa Net 25.
Bibida rin siya sa isang horror film at may mga offers pang natatanggap upang gumawa ng teleserye.
Ayon kay Ara, lubos siyang nagpapasalamat dahil marami siyang oportunidad na ipagpatuloy pa rin ang kanyang trabaho matapos ikasal.
Masaya rin daw siya dahil all-out support ang kanyang mister pagdating sa kanyang mga proyekto.
“He sees the blessings coming my way, so we’re worried na baka magtampo if we turn all of them down. He allows me to grow. Sometimes, he even offers his own suggestions about what I can do next,” lahad ni Ara.
Related Chika:
Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.