Ara Mina, Dave Almarinez goal nang magka-baby

Ara Mina, Dave Almarinez goal nang magka-baby, mensahe sa lovelife ni Cristine: I want her to be happy!

Pauline del Rosario |May 06,2023
facebook
share this

Ara Mina, Dave Almarinez goal nang magka-baby, mensahe sa lovelife ni Cristine: I want her to be happy!

Pauline del Rosario - May 06, 2023 - 10:14 AM

Ara Mina, Dave Almarinez goal nang magka-baby, mensahe sa lovelife ni Cristine: I want her to be happy!

PHOTO: Instagram/@therealaramina

MATAPOS mag-launch ng bagong negosyo ang mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez, ang next target naman ng dalawa ay magkaroon ng baby.

Ibinunyag ‘yan mismo ng aktres sa harap ng entertainment press.

“For now, our new venture is our baby,” sey ni Ara.

Dagdag pa niya, “But we’re hoping to have a baby soon, though we don’t want to pressure ourselves about it.”

Kung matatandaan, nauna nang ikinuwento ni Ara na nagpa-check na siya sa kanyang doktor.

Sinabi raw sa kanya na okay na okay naman daw siya at kering-keri pang magbuntis kahit nasa edad 40 something na siya.

Nabanggit pa nga niya noon na todo research siya, lalo na’t gusto nilang mag-asawa na magkaroon ng baby boy.

Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’

“It’s not a position. It’s a date. Date from your period or something. Pero ayoko muna i-reveal. Ita-try ko muna. Kapag effective siya sa akin, I will share it to you, guys,” chika pa ng aktres.

Samantala, naitanong din ang aktres kung ano ang reaksyon niya sa bagong lovelife ng kanyang kapatid na aktres na si Cristine Reyes.

Para raw kay Ara, ang importante sa kanya ay masaya ang kanyang kapatid.

“I want her to be happy,” sambit ng premyadong aktres.

Patuloy pa niya, “Hopefully, Marco is going to turn out as her ‘Dave,’ so both of us will live and love happily ever after.”

Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ni Ara ang bago niyang lifestyle magazine show na nakatakdang ipalabas sa Net 25 na pinamagatang “Magandang ARAw.”

Ayon sa kanya, dream come true ang nasabing show dahil matapos ang ilang dekada ay magagawa na niyang mag-interview.

“It’s a dream come true for me,” saad ni Ara.

Chika pa niya, “After 30 years in showbiz, I will do the interviewing instead of being the one interviewed.”

Related Chika:

Cristine Reyes trending, past interview kay Boy Abunda naungkat: Ano ako cougar?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending