Cristine Reyes trending, past interview kay Boy Abunda naungkat: Ano ako cougar? | Bandera

Cristine Reyes trending, past interview kay Boy Abunda naungkat: Ano ako cougar?

Therese Arceo |April 26,2023
facebook
share this

Cristine Reyes trending, past interview kay Boy Abunda naungkat: Ano ako cougar?

Therese Arceo - April 26, 2023 - 11:46 PM

Cristine Reyes trending, past interview kay Boy Abunda naungkat: Ano ako cougar?
POPULAR now ang aktres na si Cristine Reyes matapos mag-resurface sa social media ang panayam niya sa “Tonight With Boy Abunda”.

Sa naturang video clip ay kumasa sa “Totropahin o Jojowain” challenge ang aktres at isa sa mga nasa choices ay ang aktor na si Marco Gumabao.

“Si Marco, we’re friends,” sagot ni Cristine sabay pakita ng “tropa” sign.

“Ang bata pa ni Marco. Ano ako cougar?” natatawang pagpapatuloy niya.

Ang cougar ay isang termino na tumutukoy sa mas matandang babae na seeking ng sexual relationship sa nakababatang lalaki o pwede ring babae.

Kaya naman marami sa mga netizens ang hindi mapigilang mag-react dahil matapos ang tatlong taon buhat nang maganap ang interview ay tila “kinain” ni Cristine ang kanyang sinabi dahil tila inamin na ni Marco ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Matatandaang nitong Lunes, April 24 nang ibandera ng binata ang mga larawan nilang magkasama ng aktres at sweet na sweet sa isa’t isa.

“You are my home and my adventure all at once,” caption ni Marco sa kaniyang Facebook post kasama si Cristine.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Bago ang kanyang post ay ilang linggo na ring curious ang mga netizens kung ano nga ba ang meron sa pagitan nila ni Cristine buhat nang maispatan silang magkasama at super comfy sa isa’t isa habang nagbabakasyon sa Siargao.

Sagot noon ni Marco, masaya siya sa kung ano ang meron sa kanila ng aktres at nag-e-enjoy sila sa company ng isa’t isa.

“Kami ni Cristine, we’ve worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years,” pagbabahagi ni Marco.

Samantala, narito naman ang mga comments ng netizens sa #UngkatanNgPast video ng aktres.

“Walang masama sa kong mas bata ang masama kong hindi nag sasabi ng totoo pero ikaw yan kaya cge naki comment lang naman ako kanya kanyang comment lang.”

“Hayaan mo na Cristine di kanaman mukang matanda para sa kanya. Isa pa parang mag ka edad nga lang kayo.”

“Kinain Niya Sinabi Niya. wag magsalita [nang] tapos?”

Hindi naman nalalayo ang edad nina Cristine at Marco dahil 34 lang ang aktres at 28 naman ang aktor.

Related Chika:
Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending