Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’
MALUHA-LUHA si Cristine Reyes nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment media pagkatapos mag-renew ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) kamakailan.
In fairness, 15 years na sa Viva ang award-winning actress at 20 taon na siya ngayon sa mundo ng showbiz kaya naman todo-todo ang pasasalamat niya kay Boss Vic del Rosario pati na kina Veronique at Vincent del Rosario sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.
Sey ni Cristine, hindi raw talaga niya ini-expect na tatagal siya ng 20 years sa showbiz, “Nagpapasalamat ako. I have been here in the industry for twenty years and with Viva for fifteen years, so hindi ko ito ine-expect. I am very grateful, medyo teary-eyed ako.”
Bakit nainis si Imee Marcos sa panggagaya sa kanya ni Cristine Reyes sa ‘Maid In Malacañang’?
“Hindi ko ine-expect na tatagal ako nang ganu’n sa industriya. Noong nagsisimula pa lang ako, batang-bata pa akong masyado, hindi ko iniisip. Nakaka-overwhelm kapag sinasabi na 20 years, 15 years with Viva,” chika ng aktres.
Inamin naman niyang naging maldita at pasaway din siya noong kabataan niya pero napakalaki ng nga ng kanyang ipinagbago mula nang dumating sa buhay niya ang anak na si Amara.
View this post on Instagram
Naaala pa raw niya yung panahong iniwan niya pansamantala ang showbiz para mag-focus sa kanyang pamilya. Kasunod nito, inamin niyang natakot siya dahil baka bindi na siya makabalik sa mundong minahal niya at naging bahagi ng halos kalahati na ng kanyang buhay.
“I was contemplating back in the day when I wanted to wish to have my own family, settle and live a peaceful life and I thought, I would succeed but you know, I failed.
“Nevertheless, I prayed talaga. Kaya pa ba? Kasi usually maraming mga bago na pumapasok. Marami na rin ang magagaling that’s why I’m really thankful kasi kung ano ang meron ako ngayon, pinapahalagahan ko siya talaga kasi ayoko nang mawala,” pagbabalik-tanaw ni Cristine.
Dugtong pa niya, “Actually, lahat naman ng mga tao sa paligid ko, lagi naman nila akong nire-remind, especially Ate VR (Veronique del Rosario, manager niya) to take things seriously and all that.”
“Siguro, ‘yung turning point in my life was when I hit rock bottom and nawala ang lahat sa akin. Ang hirap noon.
“Nasaktan talaga ako noon that’s why I’m very thankful that I am here with Viva kasi they trusted me all the way until after everything so ‘yung trust na ‘yun, ayokong biguin,” pag-amin ni Cristine.
Cristine Reyes binalikan ang trauma noong bata: I want to cut the curse
Nagpapasalamat din siya sa pagdating ni Amara sa buhay niya, “Malaking factor si Amarah sa mga life decision ko and I think she straightened up my life. Siya ‘yung fortress ko.
“Siya talaga yung kapag ano na ako, kapag lost na ako, I would go back and just…tinitingnan ko lang siya, napakainosente.
“I wanna give her everything that I didn’t have. I am happy that I have a child napakabait, napakatalino,” ang sabi pa ng proud mommy.
Samantala, isa sa mga naka-line up na project ni Cristine sa Viva bukod sa “Martyr or Murderer”, ay ang romcom nila ni Empoy Marquez
“Meron akong gagawin na comedy naman, for a change and matagal ko nang nire-request ‘yun para may variation. Mag-abang kayo kung sino ‘yung susunod kong makakapareha kasi nakakaselos talaga ‘yun.
“And then I have another one with Baron (Geisler), same team na gumawa nu’ng Dollhouse niya,” excited pang pagbabahagi ni Cristine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.