Cristine, Marco naka-‘follow’ na ulit sa isa’t isa, nagkabalikan ba?

Cristine, Marco naka-‘follow’ na ulit sa isa’t isa, nagkabalikan nga ba?

Pauline del Rosario - April 28, 2025 - 10:26 AM

Cristine, Marco naka-‘follow’ na ulit sa isa’t isa, nagkabalikan nga ba?

PHOTO: Instagram/@gumabaomarco

SA gitna ng mga usap-usapang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kapansin-pansin na muli nilang fina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Ang tanong tuloy ng marami, nagkaayos na kaya ang dalawa?

Magugunitang nag-trending recently sa social media ang pag-unfollow ng dalawa na naging ugat ng breakup rumors.

As of this writing, kahit naka-follow na si Cristine ay wala pa rin ‘yung photos nila together ni Marco.

Baka Bet Mo: Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Habang ang aktor naman ay hindi pa niya tinatanggal ang ilang sweet pictures nila ni Cristine.

Cristine, Marco naka-‘follow’ na ulit sa isa’t isa, nagkabalikan nga ba?

PHOTO: Screengrab from Instagram

Hindi pa malinaw kung ano ang nangyari sa dalawa na kung bakit bigla sila nag-unfollow at makalipas ang ilang araw ay naka-follow na ulit sila sa isa’t-isa.

Anyway, bukas ang BANDERA sa pahayag ng couple upang linawin ang isyung ito.

Kung matatandaan, taong 2023 nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.

Naging vocal pa nga si Marco sa pagiging inlove kay Cristine at ibinunyag pa na crush na niya ito noon pang 2015.

Last year lamang, inamin ng aktor na handa siyang mag-settle down kasama ang aktres.

Napag-usapan na nga raw nila ang magiging future nila sa kanilang relasyon.

Samantala, bago si Marco, si Cristine ay ikinasal sa mixed martial artist na si Ali Khatibi noong 2016 at may isa silang anak na si Amarah.

Pero last year, ibinunyag ng celebrity mom na annulled na sila ni Ali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Marco ay kasalukuyang tatakbo bilang mambabatas para sa 4th district ng Camarines Sur.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending