Cristine Reyes binalikan ang trauma noong bata: I want to cut the curse
ISANG malaking rebelasyon ang ibinahagi ni Cristine Reyes sa podcast interview ni Liza Florida na Eight Billion Project.
Bagamat lumaki siya sa isang masaya at malaking pamilya na may simpleng pamumuhay noon bago siya mapunta sa kanyang biological mother, mayroon pa rin mga sugat sa kaniyang puso habang siya’y lumalaki.
Ikinuwento ni Cristine Reyes ang kaniyang childhood wounds na nakapagdulot ng trauma sa aktres mula noong anim na taon siya hanggang sa mag-21 years old siya.
Amin niya, six years old siya nang malaman niyang adopted child siya. Doon niya nalaman na ang kanyang Daddy Metring na nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal ng isang ama ay hindi pala ang kanyang biological father.
Kinausap raw siya ng kaniyang kinalakihang magulang noong bata siya at sinabing hindi siya tunay na anak ng mga ito.
“They told me, ‘You’re not our real child.’ I was shocked. I don’t even remember if I said something. I think I was in a state of shock,” pagbabahagi ni Cristine.
“You’re real mom is on the way here… The next thing I remeber, there’s a lady entering the house.
“The next thing I remember, my mom pulling me out. I eas holding my Daddy Metring tightly. In my head, ‘Don’t let me go! Don’t let me go’. I was crying so much,” pagpapatuloy pa ng aktres.
Nang makarating raw sila sa sasakyan ng kanyang biological mother, labis pa rin ang pag-iyak ng batang si Cristine.
Sinabihan raw siya ng ina na habang nagmamaneho ito na kailangan na niyang kalimutan ang kinalakihang pamilya dahil siya daw ang tunay niyang ina.
Sa kabila ng pagkakaroon ng malaki at magarbong bahay ay hindi pa rin nawala ang lungkot na nararamdaman ni Cristine.
“I think I don’t belong here. Ever since I moved to my biological mom, I felt that I didn’t have a voice. As much as possible, I don’t really talk,” saad pa niya.
Sa tingin niya naman ay may mabuting puso ang ina nang kunin siyang muli nito ngunit napgtanto niya na wala itong kakayahan na alagaan sila dahil anim silang magkakapatid.
Ikinuwento rin nito na sa edad na 6 ay naranasan niyang maging neglected.
“I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born. I tried so many times to abort you. You’re just something else. Your grip was there. You should have died.’
“It was so painful. I grew up hearing that all the time,” kuwento pa ni Cristine.
Hindi raw niya lubos maisip na kaya iyong sabihin sa kanya ng sariling ina.
Tinawag rin niyang “hell house” ang bahay na kanyang kinalakihan.
Kinakailangan niyang magtiis at alagaan ang mismong sarili sa murang edad at nang tumuntong na siya ng 21 years old ay dito na siya nagkaroon ng lakas ng loob para bumukod sa pamilya.
Ngunit kahit na wala na siya sa poder ng ina ay nagdulot na ng matinding trauma sa kanya ang mga naranasan niya habang lumalaki.
Kinuwento rin niya na ang kaniyang mga naranasan habang lumalaki ang naging sanhi ng kaniyang maling pananaw sa buhay.
Nabanggit rin nito ang kanyang failed marriage at ang malaking pag-aaway nila ng kapatid na si Ara Mina noong 2012 na umabot pa sa korte.
Nais na raw ni Cristine na wakasan na ang “sumpa” na nadarama kaya hinarap niya ang kanyang trauma nang sumailalim siya sa isang self-growth seminar habang nagbabaksyon sa Amerika.
Ngayon ay mas makikilala na raw niya ang kaniyang sarili at na-realize niya na maaari na niyang palayain ang sarili sa mapait niyang nakaraan.
“I want to cut the curse in spreading bitterness, darkness, hatefulness in the world…All along it’s the people around me [who got it wrong]. It’s me.. Now, I have to take full responsibility of everything that happened in my life.”
Related Chika:
Cristine hindi in-expect na mananalong best actress sa 40th Oporto Int’l filmfest sa Portugal
Cristine nalagay ang buhay sa bingit ng kamatayan: I can’t die, I want to live…
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.