Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: 'You are my home and my adventure all at once' | Bandera

Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Ervin Santiago |April 24,2023
facebook
share this

Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Ervin Santiago - April 24, 2023 - 06:39 PM

YES, yes, yes mga ka-Marites! Finally, ibinandera na nina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa buong universe ang kanilang relasyon.

Matagal nang nababalita na magdyowa na sina Cristine at Marco dahil ilang beses na silang nakitang magkasama sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila.

Nang makausap ng BANDERA si Marco sa presscon ng pelikula nila ni Kylie Verzosa na “Baby Boy, Baby Girl”, hindi niya diretsahang inamin na magdyowa na sila ni Cristine pero sinabi niyang matagal na silang super close.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account, tila ipinagsigawan na nina Cristine at Marco sa buong mundo ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngayong araw, April 24, makikita sa IG at FB ni Marco ang mga sweet photos nila ni Cristine na kuha sa ilang lugar na kanilang binisita nitong mga nagdaang buwan.

Ang short caption ni Marco sa kanyang IG post, “You are my home and my adventure all at once (heart, face blowing a kiss emojis).”

Baka Bet Mo: Cristine Reyes pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco; wish makatrabaho sina John Lloyd at Ate Vi

Ang tanging reply lang ni Cristine sa mensahe ni Marco ay face with hand over mouth, face blowing a kiss, smiling face with heart eyes, heart at praying hands emoji.

Sa unang picture, makikita si Marco na hinahalikan si Cristine sa pisngi habang sila’y nasa buhanginan ng isang beach resort.

Sa isa pang litrato, holding hands while walking (HHWW) pa ang dalawa habang tumatawid ng kalsada.

May photo pang ibinahagi si Marco na parang Instapic na nakadikit sa refrigerator kung saan may nakasulat na “HA HA HA (smiling emoji) LOVE YOU!”

Sa grand presscon ng romcom series ng TV5 at Viva Entertainment last March 22, kung saan magkatambal sina Marco at Yassi Pressman ay natanong ang aktor about Cristine at ano na nga ba ang label ng kanilang relationship.

“Basta, you’ll find out when the time is right..Hindi rin naman sa hindi pa right time, pero siguro we’re just enjoying yung time namin na kami muna, wala munang nakikialam, nakikiusyoso.

“Kasi, the reason why I’m very private when it comes to love life is because kapag nalaman ng tao na, for example, you’re dating this woman, maraming makikigulo.

“Maraming eepal, maraming maninira. Yun ang ayoko. And at the same time, happy naman kami sa tahimik na buhay,” pahayag ng binata.

Patuloy pa niya, “And hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything.

“Unang-una, wala naman kaming tinatapakan. We’re both single. So parang mas masarap na private lang, walang nakikiusyoso,” diin pa niya.

Paglalarawan pa niya sa relasyon nila ni Cristine ngayon, “Kami siguro ni Cristine, kaya siguro nagki-click kami, kasi, outside of work, outside of the camera, we’re just two normal people.

“We enjoy going out, eating out. Going to public places, going to the mall. Hindi kami nagtatago yung nagma-mask at naka-shades sa mall.

“Kumbaga, if you will see us, then, people see us. Hindi kami nagtatago, and we’re not also… hindi naman namin binabalandra,” chika ni Marco.

Sa tanong kung masasabi ba niyang more than friends na sila ni Cristine, “Well, we started off as friends. Sa SOCO nga in ABS-CBN, nakatrabaho ko pa siya.

“So, na-form yung friendship namin and of course, what we have now is special, I can say. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan,” sabi pa ng hunk actor.

Related Chika: 

Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending