Cristine Reyes pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco; wish makatrabaho sina John Lloyd at Ate Vi
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustung-gustong makatrabaho ni Cristine Reyes ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
Sana raw ay makasama niya si Ate Vi at si Lloydie sa mga susunod niyang projects dahil sigurado raw siya na marami pa siyang matututunan sa mga ito pagdating sa pag-arte.
Inuulan ng mga papuri si Cristine dahil sa natatangi niyang pagganap sa part 2 ng “Maid in Malacañang”, ang “Martyr or Murderer” ni Darryl Yap mula sa Viva Films.
In fairness, napakagaling naman talaga ni Cristine sa nasabing movie kaya hindi na kami magtataka kung ma-nominate at manalo siyang best actress sa next awards season.
Wish ng aktres nang makapanayam siya ng BANDERA at ng iba pang members ng press kamakailan, “Palagi kong nire-request, sana makatrabaho ko yung magagaling na aktor.
“Siyempre, number one ko si Miss Vilma Santos. Humahanga ako kay John Lloyd Cruz, napakagaling na aktor,” aniya.
After ng “Martyr or Murderer” ay may dalawa pang pelikulang gagawin si Cristine, ang romcom nila ni Empoy Marquez at ang pagsasamahan nilang proyekto ni Baron Geisler.
“Meron akong gagawin na comedy naman for a change. Matagal ko nang nire-request yon para may variations.
View this post on Instagram
“Pagseselosan ng lahat ng lalake yung susunod kong makakapareha, as in mag-abang kayo kasi nakakaselos talaga.
“I will also do a movie with Baron . Nakatrabaho ko na si Baron sa Eva Fonda and I think we have a good working relationship,” aniya pa.
Samantala, knows n’yo ba na pangarap din noon ni Cristine ang maging writer at newscaster? Yes, yes, yes mga ka-Marites! Idol na idol daw niya talaga ang Kapuso broadcaster at news anchor na si Mel Tiangco.
View this post on Instagram
“I wanted to do news. Gusto ko na maging newscaster like Mel Tiangco kasi noong time ko (sa GMA 7) siya yung nandoon.
“Marami akong gustong gawin. Gusto ko rin sana matutong magsulat kasi marami rin akong creative things that I want to put into films as well.
“Medyo nagte-take lang ako ng time. Ayoko kasing gawin yung mga bagay na pilit so I wanna take my time to do things that I want to do. I eventually want to write and, who knows, kung saan po ako dadalhin,” pahayag pa ng aktres na nagse-celebrate ngayong taon ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.
Isa pa sa mga pangarap niya ngayon ay ang magkaroon ng international acting career, “I do have plans pero hindi po natin puwedeng ipilit yon.
“Siguro timing din and kung ibibigay sa atin yon nang kusa. Kung may offer, I think I would love to do an international project,” sey pa ni Cristine.
Bakit nainis si Imee Marcos sa panggagaya sa kanya ni Cristine Reyes sa ‘Maid In Malacañang’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.