Mel umaming tinamaan din ng COVID, hindi pa nakakausap si Mike; Bea bibida sa anniversary horror episode ng #MPK
DALAWANG buwan ang magiging celebration ng GMA para sa 20th anniversary ng “Magpakailanman” hosted by Ms. Mel Tiangco.
Kagabi, napanood ng Kapuso viewers all over the universe ang life story ng singer na si Maegan Aguilar na gagampanan ni Sanya Lopez.
Pinamagatang “Listen to my Heart: The Maegan Aguilar Story”, nasaksihan ng mga manonood ang paghihirap at mga pagsubok na hinarap ng anak ni Freddie Aguilar sa kanyang buhay at career.
Kamakalawa, nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Tita Mel para sa selebrasyon ng anibersaryo ng kanyang “#MPK” na dalawang dekada nang namamayagpag sa ere.
In fairness, talagang super happy ang TV host at news anchor nang makita muli nang personal ang mga taga-media.
View this post on Instagram
Super thankful daw siya at ang buong production ng “MPK” dahil sa kabila ng pandemya ay hindi nawala ang kanilang programa at patuloy na nagbibigay ng ng inspirasyon sa mga Filipino.
Natanong si Tita Mel tungkol sa tsismis na magpapaalam na raw sa ere katapat nilang programa sa ABS-CBN na “Maalaala Mo Kaya” ni Charo Santos.
“I’m sad, I mean I don’t like that. Kasi ano na ‘yung Maalaala Mo Kaya classic na, kumbaga. Talaga? Nag-stop taping na sila?
“Hindi, noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin talagang walang taping kasi pandemic. Akala ko ganoon. That’s really sad. I’m sad for Charo,” sabi ng veteran broadcas journalist.
Pagpapatuloy ng premyadong TV host, “Siyempre I hope it’s not true, ‘di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It’s a class of its own, ang Maalaala Mo Kaya, ‘di ba?
“Talagang hindi biro ‘yung kapag natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya, ay naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo matatalo ‘yan. Eh, tumapat na talagang makapal ang mukha ko…biro lang,” ani Tita Mel.
Samantala, natanong din siya tungkol sa partner niya sa news program na “24 Oras” na si Mike Enriquez na matagal-tagal nang hindi napapanood sa kanilang programa.
Inamin ni Tita Mel na hindi pa niya ito tinawagan, “Baka naman sabihin pati ako nantsitsismis.
“Malulungkot din naman ako kapag sinabi niyang… lalo na nu’ng lumabas ‘yung fake news. Siyempre nagtatawagan kami ng mga staff, sasabihin naman nila ‘hindi tita.’ Siyempre, naniniwala ako sa kanila,” lahad ng Kapuso news anchor.
Aniya, ang last na pagkikita nila ay ang araw bago tuluyang mag-leave si Mike sa “24 Oras”, “Kasi kailangan niyang magpa-test. Eh hindi pa siya bumabalik.”
Nagkuwento rin si Tita Mel tungkol sa pagiging COVID survivor, “Ito lang year na ‘to pero very mild. Thank God, very mild. Hindi ko napansin.
“Sumakit ‘yung lalamunan ko, kinabukasan nawala ‘yung sakit ng lalamunan ko, sinipon lang ako tapos wala na. Kasi naman ako, may rhinitis ako kaya kung makikita n’yo, luha ako nang luha.
“You know, it’s basically allergy, rhinitis allergy. Lumalabas, eh, so ‘pag inubo ako, ‘ano kaya ‘to, rhinitis ko, ‘yung ganon.
“Kaya hindi ako nagbibiro ‘yung sinabi kong ‘may sipon ka lang, ninenerbyos ka,’ ‘di ba? Kasi ganon, ‘yun pala negative naman ako. Ang gastos sa PCR, ayoko ng antigen, baka mamaya false yan,” aniya pa.
Abangan ang mga susunod pang pasabog na episodes ng “Magpakailanman” sa kanilang two-month anniversary celebration tuwing Sabado ng gabi sa GMA 7. Ayon sa head writer ng #MPK na si Senedy Que, sa final anniversary episode nila ay bibida naman si Bea Alonzo.
Ito ang magsisilbing first “MPK” appearance niya. “This will be a horror-suspense episode. Kasi yun mismo ang request ni Bea dahil hindi pa raw niya nagagawa,” sabi ni Senedy.
Karen Davila, Mel Tiangco ginisa ang Comelec officials sa nangyaring aberya sa halalan
Jeremiah Tiangco nanawagan sa mga natatakot magpabakuna; bagong GMA primetime line-up babandera na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.