Pia Arcangel ibinuking payo ni Mike sa sweldo ng journalist

Pia Arcangel ibinuking payo ni Mike Enriquez tungkol sa sweldo ng journalist

Ervin Santiago - March 20, 2025 - 06:00 AM

Pia Arcangel ibinuking payo ni Mike Enriquez tungkol sa sweldo ng journalist

Pia Arcangel at Mike Enriquez

HINDING-HINDI makakalimutan ng seasoned Kapuso news anchor na si Pia Arcangel ang naging advice sa kanya ng yumaong broadcaster na si Mike Enriquez.

Fresh pa sa isip ni Pia ang naging usapan nila ng pumanaw na TV host at broadcast journalist tungkol sa talent fee o sweldo ng isang journalist sa media industry.

Bukod dito, tanda pa niya ang naging payo ni Mike sa mga bagong media practitioners na gustong makapasok sa broadcast industry.

Napag-usapan ang tungkol dito nang mag-guest si Pia sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kapwa niya news anchor na si Ivan Mayrina.

Tinanong kasi sila ng King of Talk na si Boy Abunda kung malaki ba ang kinikita nila bilang journalists. Sey ni Pia, ito rin daw ang madalas nilang natatanggap na question mula sa mga estudyante kapag nagbibigay sila ng career talks.

May mga parents daw kasi na ayaw payagan ang kanilang mga anak na pasukin ang media industry dahil hindi raw ganu’n kalaki ang kita rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Arcangel (@piaarcangel)


“I remember when I interviewed Sir Mike Enriquez, he always said, ‘Huwag mo kasing iniisip kung magkano ang kikitain mo ‘pag pumasok ka dito sa trabahong ito,’” paliwanag ni Pia.

Kuwento pa ni Pia sa pakikipag-usap niya kay Mike, ang madalas daw na  tinatanong nito sa mga aplikante, “’Bakit mo ako tinatanong kung magkano ang kikitain mo?

“‘That’s a telling sign, for me, kung how much you wanted to do this job. Kung pera agad ang iniisip mo, ‘wag na tayong mag-usap,’” ang sabi pa raw ng namayapang news anchor.

“And if we carry that mentality with us, we’ll stay in the industry. The reward will come later on,” dagdag pa ni Pia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending