Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez: ‘Mananatili ka sa puso'

Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez: ‘Mananatili ka sa puso ng marami’

Pauline del Rosario - August 30, 2024 - 01:36 PM

Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez: ‘Mananatili ka sa puso ng marami'

Arnold Clavio, the late Mike Enriquez

AMINADO ang batikang newscaster na si Arnold Clavio na tila hindi pa rin siya maka-move on sa pagpanaw ng legendary broadcaster na si Mike Enriquez makalipas ang isang taon mula nang ito’y pumanaw.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Arnold ang isang throwback video na ipinakilala siya ni Mike bilang bagong anchor ng “Saksi.”

Mapapanood din na kasama nila roon ang isa pang broadcaster na si Vicky Morales.

“Ngayong araw ay isang taon na nang iwan tayo ni Ama, Mike Enriquez. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang pangungulila sa kanyang pagkawala,” sey ni Arnold sa kanyang post noong August 29.

“Iniisip ko na lang ay nasa ospital lang siya o kaya ay nagbabakasyon kasama si Tita Babes,” patuloy niya na tinutukoy ang misis ni Mike.

Baka Bet Mo: Arnold Clavio: Sa mga umaasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay…

Kasunod niyan ay lubos siyang nagpasalamat sa yumaong iconic journalist dahil sa paggabay nito sa kanyang karera.

“Lalo na sa panahon na nalagay din ako sa panganib, ikaw ang una kong naisip. Maraming salamat sa lahat,” mensahe niya.

Pagpupugay pa niya, “Ang kanyang tinig at istilo nang pagbabalita ay mananatili sa isip at puso ng marami sa matagal na panahon.”

“Ama, rest in peace,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan🤓 (@akosiigan)

Sa comment section, maraming celebrities at broadcasters ang nagbigay rin ng mensahe para sa yumaong Mike Enriquez.

“Such a wonderful Human being. Remembering Mike Enriquez fondly today and always [red heart emojis],” sey ng veteran singer na si Dingdong Avanzado.

Komento naman ng broadcast journalist na si Rhea Tan, “He touched so many lives [red heart emoji] Our DeGuz fam loves him. We miss you, ninong Mike [calm emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahad ng kapwa-news anchor na si Connie Sison, “Always will be grateful to our Sir Mike [folded hand emoji] Partner, mas bagets ka ngayon tingnan. Naks!”

Kung maaalala, noong Marso nang pumanaw si Mike dahil sa matagal nang iniindang sakit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending