Empoy sumikat, yumaman dahil sa bigote ni ‘Mr. Suave’
NAGTRABAHO muna ang komedyanteng si Empoy Marquez sa isang convenience store noon bago makapasok sa mundo ng showbiz at mapasabak sa pagkokomedya.
Rebelasyon ni Empoy, wala sa isip niya ang mag-artista pero napilit daw siya ng isang kaibigan na mag-audition sa “Mr. Suave” look-alike contest ng dating noontime show ng ABS-CBN na “Magandang Tanghali, Bayan.”
Siya ang nanalo sa naturang contest at mula nga noon ay nagsunud-sunod na ang kanyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon.
Baka Bet Mo: Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’
Sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” kay Empoy, natanong kung kailan ba niya nalamanan na may talent pala siya sa pagpapatawa.
View this post on Instagram
“Yesterday,” ang mabilis na sagot ni Empoy na ikinahagalpak naman ni Pia. Pero seryosong sagot ng binata, nasa high school daw siya nang sabihan ng mga friends and classmates na nakakatawa siya.
“May something sa akin na kakaiba, meron silang nakikita na humor daw. Which is hindi ko naman napapansin.
“Kasi ang balak ko lang talaga noon is mag-aral ako nang mabuti, maka-graduate ako, maging summa cum laude ako. Summa?!” birong chika uli ni Empoy.
Naikuwento nga niya na nagwo-work si Empoy noon sa isang convenience store at rumaraket din bilang student assistant sa kanilang school sa Bulacan.
Kasunod nga nito ang pagpilit sa kanya ng mga kaibigan na mag-audition sa “Mr. Suave” look-alike noong 2003 at itinanghal na grand winner.
Sa isang bahagi ng panayam, natanong din ang tungkol sa bigote ni Empoy na ala-“Mr. Suave” ang datingan. Bakit nga ba hindi na niya tinanggal ang kanyang bigote.
View this post on Instagram
“Matagal na ‘to, since noong pinanganak ako,” natawang biro ng Kapuso comedian.
Patuloy pang hirit ni Empoy, “Hindi ko alam, naging trademark ko na siya, tapos hindi na siya mawala. Pero tini-trim ko naman siya kapag madaling-araw. Kapag 2 a.m..”
Aniya pa, “Marami nang nagtangka na ahitin, tanggalin (ang bigote ko). Pero may mga nanalo (nagtagumpay). May mga palabas ako na dalawa talaga na nagawa ko na wala akong bigote.”
Napapanood ngayon si Empoy bilang co-host ni Susan Enriquez sa longest-running historical, traditional, and cultural show ng GMA Public Affairs na “I Juander,” na umeere tuwing Linggo, 7:50 p.m. sa GTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.