Empoy gustong sumubok bilang news reporter, graduate ng MassCom | Bandera

Empoy gustong sumubok bilang news reporter, graduate ng MassCom

Ervin Santiago - September 16, 2024 - 06:00 AM

Empoy gustong sumubok bilang news reporter, graduate ng MassCom

Empoy Marquez at Susan Enriquez

KUNG mabibigyan ng chance, gusto ring i-try ng komedyanteng si Empoy Marquez ang maging news anchor o news reporter.

Knows n’yo ba na nakapagtapos si Empoy ng kursong Mass Communication sa college kaya meron talaga siyang maipagmamalaki pagdating sa broadcasting.

In fairness, bukod sa pagiging komedyante, pinasok na rin ng binata ang hosting. Siya ang napili ng GMA 7 na maging co-host ni Susan Enriquez sa programang “I-Juander.”

Sa guesting kamakailan ng aktor sa nakaraang episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” ay natanong siya kung keribels din ba niyang sumabak sa news reporting.

Baka Bet Mo: Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?

Sabi ni Empoy, never pa niyang nasubukan ay ang magbalita sa harap ng mga camera ang nag-suggest si Pia na mag-request siya kay Susan na bigyan siya ng challenge sa kanilang programa bilang tagapagbalita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)


Natawa muna si Empoy bago sumagot, “Maniniwala kaya sa akin ‘yung mga tao kapag nagbabalita ako? Kunwari sa 24 Oras? Yun pa lang natatawa na ‘ko. Baka ilipat ‘yung channel ng mga tao.”

Sa question kung may mga gusto pa ba siyang i-try na hindi pa niya nasusubukan sa buong buhay niya, “Actually marami pa akong gustong i-explore, isa na ‘yung sinabi mo. Malay mo, ‘di ba, next time i-guest niyo ako, magbalita ako diyan.

Baka Bet Mo: Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

“Maraming puwedeng subukan na hindi ko pa nae-experience na, siguro masarap lang pagka nagawa ko,” tugon ni Empoy.

Pag-amin pa niya, “Ang pangarap ko talaga before, gusto ko talagang maging DJ ng radio station, FM.”

Sa katunayan, sumali pa siya noon sa isang contest kung saan siya ang nag-champion kung saan ang napanalunan niyang pera ay ipinambili niya ng cellphone.


“Wala, hindi ako mahilig sa mga cellphone. Gusto kong magka-phone noong time na ‘yun kasi parang kinutuban ako mapapasok ako sa industriya, eh ‘yun na nga ang nangyari. Eh, kailangan meron kang contact.”

Noong 2003 nang itanghal si Empoy bilang grand winner sa “Mr. Suave” look-alike contest sa Kapamilya noontime show na “Magandang Tanghali, Bayan”. Ito ang naging daan para makapasok siya sa showbiz.

“Sabi ko ‘Ang suwerte ko na pala Lord dahil ito ‘yung naging work ko. Pero kung susubukin naman ‘yung mga ganu’n, why not, puwede naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tinitingnan ko kung paano sila kumikilos sa loob ng studio. Sabi ko, ang hirap pala, kasi sila ‘yung ngarag eh, lalo na especially ‘yung mga artlet, sila ‘yung unang dumadating sa set pero sila rin ‘yung huling aalis,” pahayag ni Empoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending