Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan? | Bandera

Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?

Therese Arceo |November 19,2022
facebook
share this

Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?

Therese Arceo - November 19, 2022 - 08:49 PM

Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?
NAG-POST rin ang actor-comedian na si Empoy Marquez ng larawan kasama ang aktres na si Alessandra de Rossi.

Tila gumaganti ang komedyante sa dalaga matapos siya nitong i-realtalk sa naging Instagram page.

Sa kanyang IG account ay ibinandera ni Empoy ang larawan kung saan nakayakap sa kanya si Alex.

“That’s what friends are pores,” saad ng aktor.

Dagdag tanong pa ni Empoy, “Sino po ang maraming pors samin?”

Base naman sa kanyang caption ay mukha ngang totoo ang hinala ng madlang pipol na magkakaroon ng panibagong project ang dalawa dahil na rin sa camera emojis at hashtag nito na “#soon” at “WK”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)

 

Mukhang finally ay ipalalabas na ang movie ng dalawa na pinamagatang “Walang Ka-Paris” na kukunan sa France.

Marami sa mga netizens ang excited sa muling pagtatambal nina Alessandra at Empoy.

“My fave love team. I love the chemistry and the friendship,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “I love your tandem! Straightforward Alex + sweet, funny, kind, cutie Empoy!”

“Can’t wait to see you both on big screen. Love you guys!” hirit naman ng isa.

Nagsimula ang hinala ng mga netizens na mukhang magbabalik tambalan ang dalawa matapos mag-post ni Alex ng kanilang larawan ni Empoy.

Caption pa niya, “May mga relasyon na transactional lang. Wala eh. Matindi ang pangangailangan. Pasensya ka na, hindi kita mahal @empoy.”

Agad namang nag-trending ang post ni Alex kasama ang komedyante at hindi nila napigilang mag-request na sana ay muling magsama ang dalawa sa isang pelikula.

Matatandaang noong 2017 pa nang huling magtambal ang dalawa sa pelikulang “Kita Kita”.

Bukod sa magandang location ng pelikula na kinunan sa Japan ay talaga namang effortless ang chemistry nina Empoy at Alex kaya naman hindi kataka-taka na tumabo ito sa takilya at kumita ng mahigit P300 million.

Samantala, wala pa namang detalye kung pelikula o series nga ba ang pagsasamahan ng dalawa ngunit paniguradong aabangan ito ng madlang pipol.

Related Chika:
Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alessandra, Empoy lilipad pa-France para sa ‘Walang KaParis’

Piolo, Bb.Joyce sinugalan ang tambalang Empoy-Alessandra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending