Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal Bandera

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Therese Arceo |November 17,2022
share this

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Therese Arceo - November 17, 2022 - 02:45 PM

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal
TILA ni-realtalk ng aktres na si Alessandra de Rossi ang kanyang kaibigan at ka-love team na si Empoy Marquez.

Sa kanyang Instagram account kasi ay ibinahagi niya ang larawan nilang magkasama ng komedyante.

“May mga relasyon na transactional lang. Wala eh. Matindi ang pangangailangan. Pasensya ka na, hindi kita mahal @empoy,” saad ni Alessandra.

Nag-comment naman si Empoy sa post ng dalaga ng “hala siya” na may tatlong laughing emojis.

Mukha namang nagbabardagulan lang sina Alessandra at Empoy dahil aware naman ang lahat na talagang close ito dahil na rin sa mga pinagsamahang proyekto.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang IG post ng aktres.

“Ilabas mo na ang mahiwagang ngipin mo Empoy para tuluyan [nang] mainlab ang isang Alex,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Kung meron man Love Team na lume-level sa KathNiel, ALEMPOY (Alessandra-Empoy) lang yun.”

“One of the strongest tandems in the film industry! Can’t wait to see your future projects!” dagdag naman ng isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)

Marami rin ang tila nagtatanong kung may bago ba silang pelikulang pagsasamahan at muling inalala ang huling proyektong pinagsamahan ng dalawa.

Hula pa nga ng iba na maaaring “Transactional” o kaya nama’y “Pasenya Na, Di Kita Mahal” ang magiging titulo ng pelikula base na rin sa post ni Alessandra.

Matatandaang noong 2017 nag ipalabas ang kanilang box-office film na “Kita Kita” na kinunan sa Japan at umabot ng mahigit P300 million ang kinita.

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung tama ba ang mga netizens na magkakaroon sila ng bagong project together.

Pero for sure na kung mayroon man ay talagang panonoorin ito ng madlang pipol dahil kahit “transactional” lang ang kanilang love team ay patok na patok ito sa publiko.

Related Chika:
Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Alessandra napagod, nandiri sa school kaya tumigil sa pag-aaral: Sabi ko sa nanay ko, gusto ko na lang mag-artista

Alessandra: Ang yayabang sa internet, puro lait pero in person wala namang personality!

Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending