Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang 'birthing class' | Bandera

Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 09:55 AM

“NGANGA” pa rin hanggang ngayon ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi.

Muling nagpahayag ng pagkadismaya ang dalaga sa mga nangyayari ngayon sa bansa, lalo na sa muling pagdami ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Umasa kasi si Alex na magiging mas maayos na ang sitwasyon ng Pilipinas ngayong 2021 pero feeling niya parang mas lumalala pa ngayon ang mga nakalulungkot at nakaka-depress na pangyayari.

Sey ni Alessandra, inaasahan niyang makakabalik na siya sa trabaho ngayong taon matapos matengga nang ilang buwan noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng health crisis.

Aniya sa kanyang Twitter post, “Last year, di ako tumanggap ng work noong 1k cases pa lang (ang COVID). Sabi ko next year na ako babawi, for sure things will get better. Ayun. Mas malala ngayon.”

Sey pa ng sisteraka ni Assunta de Rossi, baka kailangan na talaga niyang maghanap ng bagong propesyon habang wala pang kasiguruhan ang buhay sa Pilipinas.

“I think I need a new job. Gusto kong maging manghuhula, para alam ko sinasabi ko! Chot!” pahayag pa ni Alessandra.

* * *

Ilang buwan na lang ay magiging daddy na ang Kapuso TV host-actor na si Juancho Trivino.

Kaya naman tuluy-tuloy na ang ginagawa nilang paghahanda ng asawang si Joyce Pring sa pagdating ng kanilang first baby.

Ayon kay Juancho, nagbawas muna siya ng trabaho ngayon para maalagaan nang husto ang pregnant niyang misis. Hangga’t maaari ay work from home muna siya para masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina.

Bukod sa pag-aasikaso kay Joyce,  nag-enroll din ang Kapuso couple sa isang birthing class para magabayan sila sa tamang pag-aalaga sa kanilang panganay na anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami kaming inaatupag ngayon. Like informing ourselves sa mga protocols lalo na kapag lumapit na ‘yung due date ni Joyce. Masaya, very ovewhelming process din,” pahayag pa ni Juancho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending