Unang Hirit 25 years na sa GMA; Jose Mari Chan, SexBomb may pasabog
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng mga host ng longest-running morning show sa Pilipinas na “Unang Hirit” dahil umabot na ng 25 years ang kanilang programa.
Ngayong darating na December, “Unang Hirit” celebrates a historic milestone — 25 years of making Filipino mornings brighter!
Nagsimula noong 1999, naging bahagi na ng bawat umaga ng milyun-milyong Filipino ang “Unang Hirit.” Hindi na lang ito basta isang programa dahil naging bahagi na sila ng routine ng bawat Filipino sa pamamagitan ng maaasahang balita, serbisyo publiko at unli entertainment.
In fairness, talagang hindi na kumpleto ang morning ng mga Pinoy all over the universe kapag hindi nila napanood anh “UH” Barkada na kinabibilangan nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Lyn Ching, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Suzi Entrata-Abrera, Shaira Diaz, Kaloy Tingcungco, Atty. Gabi Concepcion, Chef at Anjo Pertierra.
Baka Bet Mo: Iya umaming mas hirap ipagbuntis ang ika-4 na baby: Grabe yung morning sickness ko ngayon
“25 taon na kaming naghahatid ng mga balita at mga sorpresa. Maraming salamat sa mga kasama naming gumigising ng madaling araw.
View this post on Instagram
“Bahagi na ng aming buhay ang magpasaya sa inyo, magbigay ng pag-asa at maging alarm clock ninyo sa umaga at source ng mahahalagang impormasyon,” ayon ng isa sa mga haligi ng GMA Public Affairs na si Arnold Clavio.
“Mula noon hanggang ngayon, walang pagbabago. Ang mauna kayo sa lahat ang dala-dala naming pangako hanggang sa susunod na 25 taon,” sabi pa ni Igan sa bonggang presscon ng kanilang programa na ginanap sa Gateway Mall 2.
Magaganap sa December 6 ang National Unang Hirit Day kung saan nangako ang buong produksyon ng bonggang-bonggang selebrasyon sa buong bansa.
Asahan ang exciting on-ground activities, massive giveaways, and public service initiatives that embody the heart of Unang Hirit – mula sa Luzon, Visayas hanggang Mindanao.
Nauna rito, naglunsad na ang “Unang Hirit” ng “Sorpresa Bente Singko” series, offering viewers unbelievable deals – tulad ng pagbebenta ng bigas sa halagang P25 per kilo at LPG for only P25.
Bahagi rin ng kanilang selebrasyon ang newly-arranged version of its iconic theme song na kakantahin mismo ni Jose Mari Chan, kasama ang rising star na si Zephanie at award-winning Kapuso performer Mark Bautista.
Magkakaroon din ng reunion sa “UH” ang iconic Pinoy all-female group na Sexbomb Dancers na nagse-celebrate rin ng kanilang 25th anniversary.
View this post on Instagram
Mensahe naman ni Suzi, “As somebody na nag-umpisa sa Unang Hirit, 25 years ago, from day 1, you can just imagine the feels that I have. I am so excited.
“Medyo nae-emotional nga ako minsan kasi silver anniversary. Who would’ve thought 25 years later we’re still doing this? At naa-appreciate pa rin kami ng manood kaya maraming maraming salamat sa inyong lahat sa pagtangkilik ng 25 years.
“At sa lahat ng taong dumaan sa show na ito on cam, lalo na ‘yung off cam at pinaganda nang husto ang Unang Hirit, maraming salamat sa inyo,” aniya pa.
Catch “Unang Hirit” weekdays at 5:30 a.m. on GMA. Global Pinoys can watch it via GMA Pinoy TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.