Iya umaming mas hirap ipagbuntis ang ika-4 na baby: Grabe yung morning sickness ko ngayon
Iya Villania at Jose Sarasola
MAS hirap at mas challenging ngayon ang pagbubuntis ng Kapuso TV host-actress na si Iya Villania kumpara sa tatlong nauna niyang pagdadalang-tao.
Kinumpirma ni Iya at ng asawa niyang si Drew Arellano na magkakaroon na sila ng baby number 4 sa pamamagitan ng bago nilang vlog sa YouTube na in-upload kahapon, Jan. 3.
Kuwento ng Kapuso star, medyo nahirapan daw siyang isikreto ito sa kanyang pamilya, lalo na kay Drew at sa kanyang nanay dahil sa nararamdaman niyang morning sickness.
Kung dati raw ay kering-keri niyang ilihim ang kanyang pregnancy para may surprise factor ngayon daw ay medyo nahirapan na siya kaya napilitan na siyang ibandera ang kanyang kundisyon.
“It’s been a little hard this time around. Medyo nag-struggle na ako to keep it as a secret because morning sickness this time has not been good. So, that’s been the hardest part,” pahayag ni Iya.
Dagdag pa niya, “The things that I used to like, hindi ko na sila masyadong type.
“Like I love curry but right now, it’s just not my thing. Even the juices that I would look forward to drinking in the morning and at night, hindi ko na rin type,” pag-amin pa ng “Mars Pa More” host.
Feeling ni Iya, mas nakararanas siya ngayon ng hirap sa ikaapat niyang pagbubuntis dahil na rin sa kanyang edad, “It gets harder with age and I guess, with each kid.”
View this post on Instagram
Samantala, feeling super blessed pa rin ang TV host dahil tuluy-tuloy lang ang pagdating ng blessings sa buhay niya at ng kanyang pamilya kahit may banta pa rin ng pandemya.
Bukod nga sa mga regular show niya sa Kapuso network (Mars Pa More at 24 Oras), may mga endorsements pa siya on the side. At sa pagpasok ng 2022 ay ipalalabas na ang bagong season ng cooking show nila ni Chef Jose Sarasola na “Eat Well, Live Well. Stay Well.”
Sa ginanap na virtual mediacon para sa season 3 ng “Eat Well, Live Well. Stay Well” nabanggit ng misis ni Drew na mas kaabang-abang ang bawat episodes na gagawin nila.
“Blessed is an understatement. Because you know during the time when people are out of work, during a time when people are just waiting to get work, here are Jose and I blessed with another season,” sey ni Iya.
“Jose is really a cook, it’s really something that is close to his heart. For me, I am an aspiring cook. This is something that I love to do and I really want to learn more about and gain confidence in.
“Ang sarap lang, when you’re given these opportunities when you’re given these blessings, you don’t want to take these things for granted.
“You really just want to perform to the best of your abilities, do your best, give your best, because you know, a show like this deserves nothing less, especially the viewers,” lahad pa ng TV host at celebrity mom.
Mapapanood na ang “Eat Well, Live Well. Stay Well Season 3” simula sa Jan. 7 at 11:20 a.m. s GMA 7.
https://bandera.inquirer.net/284773/bakit-napaiyak-si-iya-nang-magsilang-ng-baby-girl
https://bandera.inquirer.net/285911/hugot-ni-drew-sa-3-anak-bilang-tatay-its-better-to-be-good-than-to-be-right
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.