Iya kabado na dahil malapit nang manganak, nag-‘maternity’ break na

PHOTO: Instagram/@iyavillania
AMINADO si Iya Villania na nag-uumpisa na siyang kabahan dahil malapit na siyang manganak sa ikalimang baby nila ng mister na si Drew Arellano.
Ipinasilip pa nga ng TV host ang kanyang last day sa trabaho bago ang maternity leave.
Sa Instagram Story, makikita ang kanyang selfie na hagip ang OBB ng entertainment segment niya sa “24 Oras” na “Chika Minute.”
Ang kwento pa niya sa caption, “I’ve also started on Primrose evening oil to help soften cervix in preparation for delivery and that makes me nervous.”
Baka Bet Mo: Nadine wala pa ring balak magkaroon ng sariling anak: ‘Takot talaga akong mabuntis at manganak’
Magugunitang, nauna nang inamin ni Iya na siya ay nag-aalala sa kanyang pagbubuntis dahil na rin sa kanyang edad.
Gayunpaman, aniya, ay may tiwala raw siya sa kanyang katawan.
Samantala, ipinagdiriwang ng mag-asawa kamakailan lang ang kanilang 11th wedding anniversary.
Sa post ni Iya ay lubos niyang pinasalamatan si Drew: “Grateful every single day and always praying we’ll be the examples of love that we need to be for our children. Here’s to always choosing each other.”
View this post on Instagram
Ang mensahe naman ni Drew: “To the most thoughtful, adventurous, and toughest person I know: With you, I was already at 100%.”
“With the kids, I’m the happiest person on the planet! Happy 11! I love you!” aniya pa.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, taong 2014 nang ikinasal ang dalawa.
Ang first baby nila na si Primo ay isinilang noong 2016, ang sumunod na si Leon ay noong 2018, si Alana ay 2020, at ang ikaapat nilang anak na si Astro ay noong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.