Nadine wala pa ring balak magkaroon ng sariling anak: ‘Takot talaga akong mabuntis at manganak’
NAGPAKATOTOO pa rin ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa pagsagot sa tanong na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mga anak.
Matagal nang sinasabi ni Nadine na wala pa siyang planong magbuntis at manganak at may personal daw siyang mga dahilan kung bakit pinaninindigan pa rin niya ito until now.
Muling napag-usapan ang tungkol dito nang makachikahan ni Bea si Nadine sa bago niyang YouTube vlog. Dito inisa-isa ng aktres ang mga rason kung bakit ayaw niyang mabuntis at magkaroon ng sariling anak.
“First of all, takot akong manganak. Yun talaga yung pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili. Takot ako mabuntis, takot ako manganak,” pag-amin ng dalaga.
View this post on Instagram
Tulad din ng nasabi niya noon sa isang panayam, pwede naman daw siyang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng ibang paraan.
Naiisip din niyang mag-ampon at mag-alaga ng mga sanggol o mga batang inabandona at wala nang magulang.
“Ang dami kasing kids na walang parents. So, right now, parang my mind is set on adopting,” katwiran ni Nadine.
Samantala, napag-usapan din sa vlog ni Bea ang tungkol sa lovelife ni Nadine na mukhang super happy naman sa piling ng kanyang French-Filipino entrepreneur boyfriend na si Christophe Bariou.
View this post on Instagram
Ask ni Bea kay Nadin, “It is easier to date someone who’s not in showbiz?”
“For sure, yeah. Kasi walang influence ng ibang tao,” tugon ni Nadine.
Dagdag pa niyang chika about her dyowa, “Si Chris kasi, parang siya yung anchor ko sa labas ng show business which is something that I need.
“Kapag nasa showbiz ka kasi, something it gets to loud. It gets too noisy. Siya yung humahatak sa akin when it gets to crazy,” pag-amin ng aktres.
In fairness, nagkakasundo rin sila ni Christophe sa maraming bagay at pareho rin ang mga priorities nila sa buhay.
“Mahirap if partners are seeing eye-to-eye na magkaiba kayo ng goals in life,” sey ni Nadine.
Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli pero mas gusto munang tutukan si Amari
Aiko Melendez kering-keri pang magbuntis at manganak: Maganda ang lahi ko, in fairness!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.