Yiv Cortez nag-post ng Duterte ‘meme’; ama nawindang, nagbanta

Yiv Cortez nag-post ng Duterte ‘meme’; ama nawindang, nagbanta

Pauline del Rosario - March 20, 2025 - 01:55 PM

Yiv Cortez nag-post ng Duterte ‘meme’; ama nawindang, nagbanta

PHOTO: Facebook/Yiv Cortez

NAGLABAS ng pahayag ang ama ni Yiv Cortez na si Rolando matapos ibandera ng anak ang isang meme tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Yiv ang edited na larawan ng isang private jet na tila papuntang The Hague, Netherlands sakay ang dating presidente.

Kalakip niyan ang nakasulat na: “Filipinos, this is the plane they used to kidnap my dad.”

Kasama rin sa nasabing picture ang split photo ng isang babae na makikitang shookt at may nakasulat na “kidnap?!”

Ang naging caption naman diyan ni Yiv matapos i-share ay: “Sosyal!”

Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, munggo, saging

Hindi ito nagustuhan ng kanyang tatay kaya nag-post si Rolando ng isang pahayag kalakip ang ilang screenshots upang ipakita ang kanyang pagtutol at panawagan ng pananagutan sa anak.

Bungad niya sa post, “IN BEHALF OF MY FAMILY, I’M ACCEPTING THE RESPONSIBILITY OF YIV’S ACTION!”

Inilagay din niya ang isang kasabihan mula kay Arnold H. Glasow na ang sabi ay “Telling a teenager the facts of life is like giving a fish a bath.”

Ayon sa ama, nais niyang ipaintindi sa kanyang anak ang kaibahan ng opinyon at insulto.

Ibinahagi rin ni Rolando ang naging convo nila ng anak kung saan nagpadala pa siya ng ilang biblical quotes kaugnay ng tamang asal ng isang magulang sa anak.

Kalakip din niyan ang kanyang babala kay Yiv: “This is my last warning @Yiv Cortez, makakatikim ka na ng palo sakin pag di ka tumigil sa political post!”

Sumagot naman diyan si Yiv ay sinabing: “Maybe this is a lesson for me. Na-realize ko na pinapatahimik talaga ng kasamaan ang kabutihan.”

Kahit sinagot siya ng anak, sinabi ni Rolando na nagsisi si Yiv sa mga ginawa nito.

“Pag-uwi ko sa bahay galing ng trabaho – yumayakap, umiiyak, at humihingi siya ng sorry. Enough for me, na hindi siya paluin ng belt,” chika ng ama.

Sa bandang huli ng post, iginiit ni Rolando na: “I just want PEACE to the world!”

Kasunod niyan, nilinaw ni Yiv sa TikTok na nag-aalala lang ang kanyang mga magulang sa natatanggap niyang death threats, ngunit mali ang naging paraan ng pagpapahayag nila ng kanilang nararamdaman.

“Nag-alala po kasi sila sa akin dahil sa mga death threats na natatanggap ko,” sey niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Kaya po nasabi nila na wag na ko mag-post ng ‘insult’, constructive criticism nalang daw sana. Mali lang talaga ‘yung pag-deliver nila.”

Yiv Cortez nag-post ng Duterte ‘meme’; ama nawindang, nagbanta

PHOTO: Screengrab from TikTok/Yiv Cortez

Sa kabila ng isyu, nananatiling positibo ang mga tagasuporta ni Yiv at hinihikayat siyang ipagpatuloy ang kanyang pagpapahayag ng saloobin sa mga mahahalagang usapin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending