Nicholas Kaufman itinalagang legal counsel ni Duterte sa ICC case

Nicholas Kaufman, ex-President Rodrigo Duterte
TANGING mga banyagang abogado na may malalim na kaalaman sa international law at pamilyar sa malalang krimen sa ilalim ng hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) ang magiging bahagi ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay ayon mismo kay Vice President Sara Duterte kamakailan lang.
Bukod diyan, ibinunyag din ni Sara na tinanggal na sa defense team si dating presidential spokesperson Harry Roque, kahit na siya ay rehistrado sa ICC bilang isang abogado.
Sa isang panayam noong Martes ng gabi, March 18, iginiit ng bise presidente na ‘yung may karanasan sa ICC ang pangunahing kwalipikasyon para sa mga kukunin nilang abogado kaugnay sa kasong crimes against humanity ni FPRRD.
Ang grupo ng mga abogado ni Duterte ay pinangungunahan ng British-Israeli lawyer na si Nicholas Kaufman, kasama ang isa pang foreign lawyer na awtorisado ng ICC.
Baka Bet Mo: Bong Go awang-awa kay Duterte: Pinasok sa detention center na walang tsinelas, gamit
“Once the team for the ICC is ironed out, Attorney [Salvador] Medialdea will withdraw because there are only limited slots for lawyers,” sey ni Sara sa mga reporter sa The Hague.
Aniya pa, “We want all the lawyers on board to have ICC experience.”
Si Medialdea ay kinilala bilang legal counsel ni Duterte ng Pre-Trial Chamber 1 na humahawak sa kaso laban sa dating pangulo.
Kasama rin siya ni Duterte sa paglipad patungong The Hague sa Netherlands.
Ngunit ang dating executive secretary ay dinala sa ospital bago pa man niya mabisita ang nakakulong na dating pangulo.
As of now, wala pang balita kung ano ang update sa kanyang kalusugan at bakit siya dinala sa ospital.
Samantala, si Kaufman ay kinilala ng Pre-Trial Chamber 1 bilang official defense counsel para sa natitirang proseso sa ICC.
Batay sa isang dokumento kamakailan lang, ipinahayag ni Duterte sa isang handwritten letter ang kanyang kagustuhang italaga si Kaufman bilang kanyang lead counsel.
Ayon sa mga eksperto sa international law, may karapatan si Duterte na pumili ng kanyang defense counsel mula sa listahan ng mga abogadong awtorisado ng ICC.
Samantala, maliban kay si Roque, ang iba pang Pilipinong abogado na kinikilala ng ICC ay sina Inquirer columnist Joel Butuyan, Gilbert Andres, Nashmyleen Marohomsalic, at Charles Chua.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.