Medialdea isinakay sa ambulansiya paglabas ng ICC detention facility

Salvador Medialdea
NAKASAKAY sa stretcher na inilabas mula sa Scheveningen Prison, The Hague, Netherlands, si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea.
Pagkalabas ng naturang pasilidad kung saan naghihintay pa lamang sila na mabisita si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ito nakakulong, ay sinakay naman siya sa ambulansya.
Naganap daw ang insidente ngayong araw, March 18, 9:51 a.m. sa The Hague at 4:51 p.m. naman dito sa Manila. Wala namang nabanggit sa mga ulat kung ano ang nangyari sa dating opistal ng pamahalaan.
Sinamahan daw ni Sen. Robin Padilla si Medialdea sa umalis na ambulansiya dahil ang aktor at public servant ang nagsilbing guardian nito.
Nag-post si Sen. Robin sa Facebook ng litrato ni Medialdea kung saan makikita itong nakaupo sa wheelchair.
Ang kanyang caption, “Ang Tunay na magkaibigan. Magkakabit ang bituka at magkadugtong ang kaluluwa.
View this post on Instagram
“As’alu Allah al ‘azim rabbil ‘arshil azim an yashifika. I ask Allah, the Mighty, the Lord of the Mighty Throne, to cure you.”
Bago ito mangyari, kasama ni Sen. Robin ang ilang staff mula sa Philippine Embassy sa The Hague at naghihintay sa labas ng Scheveningen Prison o ICC Detention Facility.
Ayon naman sa isang ulat, dinala raw si
Medialdea sa “clinic” ng ICC detention facility upang ma-monitor ang kanyang kundisyon.
Ito naman ang naging pahayag ni former presidential spokesperson Harry Roque base sa ipinadala niyang mensahe sa media, “My info is while he was in a wheelchair and there was an ambulance, he was brought into the facility for his scheduled visit.”
Si Medialdea ay kasama sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na lilitisin sa The Hague ng ICC dahil umano sa mga nagawa niyang “crimes against humanity.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.