Bong Go naawa kay Duterte: Pinasok sa detention na walang gamit

Bong Go awang-awa kay Duterte: Pinasok sa detention center na walang tsinelas, gamit

Jan Escosio - March 18, 2025 - 11:27 PM

Bong Go awang-awa kay Duterte: Pinasok siya sa detention center na walang tsinelas, gamit

PHOTO: Facebook/Bong Go

MULING ikinuwento ni Senador Bong Go ang nakakalungkot na karanasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula nang dalhin sa International Criminal Court (ICC) sa The Netherlands.

Ito ay sa gitna ng pagtitipon kamakailan lang ng mga lokal na opisyal kung saan guest of honor ang senador.

Sa update mula kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, chinika ni Kuya Bong Go kung paano ipinasok sa detention facility si Tatay Digong na wala man lang tsinelas at iba pang gamit.

“Nagkita sila ni Atty. Medialdea nu’ng isang araw, wala siyang tsinelas dahil hindi po pinapasok ‘yung tsinelas niya. Tsaka ‘yung sungkod, hindi rin po pinayagan. Kanina naka-wheelchair nga po siya eh,” kwento niya.

Baka Bet Mo: TIMELINE: ‘War on Drugs’ ni Duterte hanggang pag-aresto, kaso sa ICC

Patuloy niya, “Sinasabi ko lang po ito sa inyo dahil kilala ko po siya. Alam ko po ‘yung totoong sitwasyon niya ngayon.”

Iginiit din ni Senador Go na hindi makakatakas si Duterte sa kinakaharap na kaso dahil hirap na itong kumilos.

Dagdag niya, “‘Yung kinukwento ko po sa inyo na hirap siyang mag-medyas, totoo po ‘yun. Hindi niya maabot. Kaya sabi ko, hindi tatakbo si Tatay Digong sa kanyang tungkulin dahil hindi na po niya tumakbo, nagsusungkod na nga po ‘yan eh.”

Sa hiwalay na pahayag naman sa media noong March 17, iniulat ni Senator Go na nagpadala na sila sa The Netherlands ng mga personal na gamit ni Tatay Digong.

Ipinagdarasal ni Kuya Bong Go na papayagan ng ICC na matanggap ni dating Pangulong Duterte ang kanyang mga gamit.

Magugunitang nauna nang naglabas ng saloobin ang senatorial candidate tungkol sa ginawang pag-aresto kay Digong kaugnay ng mga nagawa niya umanong “crimes against humanity.”

Noong March 14 nang mangyari ang pre-trial hearing ng dating pangulo sa The Hague at ang tumayong legal counsel niya ay si Medialdea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakatakda sa September 23 ang confirmation of charges hearing para kay Duterte na humaharap sa mga nagawang “crimes against humanity” na nag-ugat sa ipinatupad niyang war on drugs o Oplan Tokhang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending