FB page ng SMNI sinuspinde dahil sa pagpo-post ng pang-aalipusta sa mga tao

INQUIRER file photo
NAGLAHO na parang bula ang Facebook pages ng Sonshine Media Network International (SMNI) kamakailan lang.
Sinuspinde kasi ito ng Meta dahil sa pagbabandera umano ng “hate” o pang-aalipusta laban sa isang grupo ng mga tao.
Ang nasabing balita ay kinumpirma mismo ng SMNI sa pamamagitan ng kanilang website.
Sinabi pa nga nila na hindi lang official pages nila ang nawala, kundi pati na rin ang mga account na kaugnay sa kanila katulad ng DZAR 1026 at SMNI Integrated News.
“[This] for allegedly expressing hatred or contempt for a group of people and using harmful racial stereotypes — citing a violation of their so-called community standards,” sey ng nasabing media network.
Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy inireklamo ng rapper: Ninakaw ang music namin at binaboy!
Depensa pa nila, “Let us be clear: we do not post anything harmful to the community.”
Ang suspensiyon ay kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kilalang kaalyado ng kontrobersyal na televangelistang si Apollo Quiboloy, ang may-ari ng SMNI.
Bilang reaksyon, ipinahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dating hepe ng PNP at kilalang tagasuporta ni Duterte, ang kanyang panghihinayang sa nangyari.
“Pilipinas, where do we go from here?” wika ni Dela Rosa sa isang Facebook post kamakailan lang.
Kasunod niyan ay hinimok niya ang publiko na i-follow ang iba pang Meta accounts ng SMNI, gaya ng Pulso ng Bayan at Newsblast.
Samantala, pwede pa rin ma-access ng publiko ang official website ng SMNI kahit wala na ang accounts nito sa FB, YouTube, at Instagram.
Para sa mga hindi aware, ang Meta ay isang American company na may-ari at nagpapatakbo ng FB, IG, Threads, at WhatsApp, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.