Harry Roque nag-apply ng asylum, 'di na babalik sa Pilipinas?

Harry Roque nag-apply ng asylum, ‘di na pwedeng pabalikin sa Pilipinas?

Therese Arceo - March 22, 2025 - 02:28 PM

Harry Roque nag-apply na ng asylum, 'di na pwedeng pabalikin sa Pilipinas?

IBINAHAGI ng dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na naghain na siya ng aplikasyon ng asylum sa bansang Netherlands.

Sa kanyang naging Facebook live nitong Huwebes, March 20, inamin ng abogado na tapos na siyang mag-apply at inaantay na lamang niya ang kanyang interview.

Lahad ni Roque, “Lilinawin ko po na ako po ngayon ay isang asylum seeker dahil nakapag-apply na po ako for asylum.

Ang inaantay ko lang po ay ‘yong kauna-unahang interview na kabahagi na ng application process.”

Baka Bet Mo: Boying Remulla kay Harry Roque: ‘Magpaka-Pilipino siya!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa niya, hindi na raw siya maaaring pabalikin sa bansa dahil bahagi ito ng kanyang karapatan bilang asylum seeker.

Sey pa ni Roque, “‘Yong mere fact na nag-apply ako, ayan ‘yong nagbigay sa akin ng karapatan na hindi na ako pupwedeng mapabalik sa Pilipinas.

“Miski pa kumuha sila ng warrant of arrest, mag-file ng extradition eh malinaw po ‘yan dahil ito po ay matter of convention rights.”

Ani Roque, kapag bumalik raw siya sa Pilipinas ay ikukulong siya sa kasong human trafficking na wala naman daw ebidensya.

May arrest order na inilabas ang House quad-committee laban sa dating presidential spokesperson dahil sa hindi na muling pagdalo sa pagdinig kaugnay ng ilegal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Samantala, ang pagiging “asylum” ay isang legal process kung saan binibigyan ng proteksyon at karapatan ang isang indibidwal na manatili sa ibang bansa sa pangamba sa “persecution” at human rights violations sa sarili nitong bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending