VP Sara kay Duterte: Yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka

Rodrigo Duterte at Sara Duterte
BINIGYAN ng warning ni Vice President Sara Duterte ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magpumilit itong umuwi na sa Pilipinas.
Feeling ni VP Sara matutulad daw ang kanyang tatay na nakakulong ngayon sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa sinapit ng yumaong senador na si Ninoy Aquino kapag bumalik na ito sa Pilipinas.
Inamin ng bise presidente na nag-aalala siya sa kaligtasan at seguridad ng ama pero lagi raw nitong pinipilit na iuwi na siya sa bansa.
Sa speech ng bise presidente sa naganap na meet-and-greet event na in-organize ng supporters ni Duterte sa Het Malieveld The Hague, Netherlands, nabanggit nitong lagi siyang tinatanong ng ama kung maiuuwi na siya sa Pilipinas.
Gusto raw kasi ni Duterte na mangampanya sa darating na eleksiyon para sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Davao City.
“Yun ang gusto niya, gusto niyang umuwi. Sinabi ko din sa kaniya yun, ‘Pa, sabi ko, ‘yung kagustuhan mo na umuwi, iyan din ‘yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka,’” pahayag ni VP Sara.
View this post on Instagram
“At sinabi niya sa akin, sabi niya, ‘Kung ganiyan ang kapalaran ko, then so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas,’” dugtong pa niya.
Base sa kasaysayan, August, 1983 nang barilin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Aquino, na kilalang hayagang kritiko ng ama ni Pangulong Bongbong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., matapos ang 3 taong exile niya sa Amerika.
Nasa kustodiya pa rin ng ICC si Duterte matapos arestuhin noong March 11 dahil sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng ipinatupad niyang “war on drugs” sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.