Quiboloy kinumpara kay Jesus Christ, tinutulan ng mga netizens | Bandera

Quiboloy kinumpara kay Jesus Christ, tinutulan ng mga netizens

Therese Arceo - September 15, 2024 - 03:59 AM

Quiboloy kinumpara kay Jesus Christ, tinutulan ng mga netizens

Apollo Quiboloy | INQUIRER file photo/Grig Montegrande

MARAMING mga posts ngayon ang kumakalat ngayon sa social media kung saan ikinukumpara si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy kay Jesus Christ dahil sa pagiging akusado nito ng napakaraming kaso.

Chika ng ilan, parehas raw ang nangyayari sa pastor sa mga pinagdaanan ni Hesus noon bago ito mahatulan na maipako sa krus.

May mg nagsasabi pa nga na tila nauulit raw ang mga nangyari noon kay Hesus sa sitwasyon ngayon ni Quiboloy.

Hindi naman kataka-taka na marami ang bumabatikos sa pagkukumpara sa dalawa dahil malayong-malayo ang pastor kay Hesus.

Baka Bet Mo: P14-M pabuya ibibigay pa rin sa mga impormante sa kaso ni Quiboloy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para sa mga hindi aware, si Quiboloy ay nahaharap ngayon sa napakaraming krimen gaya ng rape, human trafficking, at child abuse.

Maging ang kilalang manunulat na si Jerry Gracio ay tutol sa paghahambing kay Hesus at Quiboloy.

Sa katunayan, nag-post siya sa kanyang Facebook page kaugnay rito.

“Parang nauulit daw ‘yung nangyari kay Jesus sa nangyayari kay Quiboloy. Mga bagra! Si Jesus, hindi inakusahang nang-rape! Idilat nga ninyo ang mga mata n’yo, mga delulu!

“Pero kung gusto n’yo talagang ulitin kay Quiboloy’ ‘yung nangyari kay Kristo, pahampas ninyo ang pastor n’yo sa haliging bato at ipako sa krus. Tingnan natin kung mabubuhay siyang muli,” saad ni Gracio.

Pagpapatuloy pa niya, “Dahil naniniwala ako na si Jesus ay anak ng Diyos at Diyos, kinikilabutan ako na inihahalintulad ang Diyos ko sa akusadong rapist.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang nang maaresto si Quiboloy matapos ang pagtatago nito.

Nag-request ang pastor na sumailalim sa hospital arrest ngunit agad itong pinalagan ni Sen. Risa Hontiveros at sinabing hindi siya Diyos para humiling ng ganoon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending