Quiboloy binatikos sa pagdaan sa bus way, may special treatment?

Quiboloy binatikos sa pagdaan sa bus way, may special treatment?

Therese Arceo - October 24, 2024 - 04:57 PM

Quiboloy binatikos sa pagdaan sa bus way, may special treatment?

Apollo Quiboloy | INQUIRER file photo/Grig Montegrande

MARAMI ang umalma sa pagdaan mg convoy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Apollo Quiboloy sa Epifanio Delo Santos Avenue (EDSA) busway papuntang senado nitong Miyerkules, Oktubre 23.

Matatandaang kahapon ang naging kauna-unahang pagharap ng pastor sa Senate hearing matapos ang hindi niya pagdalo sa mga naunang subpoena sa kanya.

Balak umanong bigyan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT ng violation ang nagmamaneho ng naturang convoy ni Quiboloy dahil sa ginawa nito.

Maituturing kasing “reckless driving” ang ginawa ng driver ng convoy dahil sa hindi naman otorisado ang pagdaan nito sa busway mula sa sa bandang Annapolis hanggang marating ang Roxas Boulevard ayon sa ahensya.

Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy tatakbong senador, ilalaban ang religious freedom

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa nila, mahigpit na ipinagbabawal ng Land Transportation Office o LTO ang pagdaan sa kahabaan ng EDSA busway na sinuway ng driver ng convoy ni Quiboloy.

Ang mga pinapayagan lamang na gumamit ng busway ay ang mga otorisadong bus, sasakyan ng Pangulo, ambulansya at emergency response vehicle.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nagalit at pinuna ang ginawa ng kampo ni Quiboloy.

“Son of god kaya kahit saan pwedeng dumaan yan mga siga ng gobyerno,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa tungkol kay Quiboloy, ““Paano pala pag-ordinaryong mamamayan ka… Magdusa ka sa traffic ganun ba dapat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“WALA DAPAT SPECIAL TREATMENT IYAN LUKO LUKO IYAN AT SINUNGALING,” giit naman ng isa.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo ni Quiboloy hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending