Bela mami-miss ang bahay sa London, nag-iimpake na

Bela Padilla mami-miss ang bahay sa London, nag-iimpake na ng mga gamit

Pauline del Rosario - March 14, 2025 - 02:33 PM

Bela Padilla mami-miss ang bahay sa London, nag-iimpake na ng mga gamit

PHOTO: Instagram/@bela

TILA naging emosyonal ang TV host-actress na si Bela Padilla dahil tuluyan na niyang lilisanin ang tinitirhang bahay sa London.

Sa Instagram, makikita ang kanyang video ng pag-iimpake ng mga gamit at isa-isa itong inilalagay sa isang box.

Ang caption niya riyan, “I fear the grief that will set in when I miss the woman who lived in this home in London.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Sa comment section, isa sa mga nagbigay suporta ay ang fellow actress na si KC Concepcion na ang sabi: “Trust me when I say you will ALWAYS have her.”

Baka Bet Mo: Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay

Napa-komento rin ang close friend ni Bela na si Kim Chiu na ang inilahad ay, “Momsy [heart emojis].”

Magugunitang ibinunyag kamakailan lang ni Bela na mananatili na ulit siya sa Pilipinas makalipas ang mahigit isang taong paninirahan nang solo sa London.

Ayon sa TV host-actress, magbabalik full-time na kasi siya sa trabaho.

Matatandaang September 2021 nang magsimula ang buhay ni Bela sa London, pero nilinaw naman niya sa kanyang pag-alis na hindi niya iiwanan ang mundo ng showbiz.

Sa isang interview, ipinaliwanag ni Bela na kaya siya umalis ay dahil nais niyang humanap ng lugar na magiging “at home” siya, lalo na ‘nung mga panahon na talamak ang pagkalat ng COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Nung pandemic I didn’t feel it anymore in the Philippines so I felt like I had to leave,” sey niya.

Dagdag pa ng aktres,  “Parang ‘yun lang. Wala siyang big explanation, wala siyang big meaning o deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo, wala akong pinag-isipan na ganun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending