Vice kay Max Collins: Pinamukha mo kung gaano kami kachaka!

Vice kay Max Collins: Yung pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka!

Ervin Santiago - February 05, 2025 - 12:25 AM

Vice kay Max Collins: Yung pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka!

Vice Ganda at Max Collins

LAUGH nang laugh ang madlang pipol sa mga nakakalokang hugot ni Vice Ganda nang makita sa personal ang Kapuso actress na si Max Collins.

In fairness, gandang-ganda ang mga hosts ng “It’s Showtime” kay Max Collins, pati nga ang studio audience ay napa-wow at napanganga sa kakaibang karisma ng aktres.

Naging isa sa mga hurado si Max sa segment ng Kapamilya at Kapuso noontime show na “Sexy Babe” at lutang na lutang nga ang kanyang kagandahan at kaseksihan nang humarap na siya sa mga camera.

Kahit nga raw napakasimpleng tube top at white pants lang ang OOTD ni Max at nagmumura pa rin ang kanyang mala-Hollywood star na awra.

Baka Bet Mo: Max Collins hindi nahirapang apihin si Marian, palaban sa bardagulan

Sabi ni Vice Ganda nang makita ang Kapuso star, “Grabe si Max Collins, nagpapatotoo. Iyan ‘yung gandang hindi na masarap tingnan.

“Iyan ‘yung gandang hindi nakaka-inspire, nakakabagsak ng confidence ‘yung ganyang ganda!” chika pa ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)


Tawa naman nang tawa si Max habang nanggigigil sa kanya si Vice na humirit pa ng, “‘Yung imbis na ma-inspire ka sa buhay, sasabihin…’Yun ‘yung pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka!'”

“I feel good about myself paggising ko. Noong nakita kita sabi ko, ‘My God! Ang panget ko pa rin talaga!'” birong hirit pa ng TV host-comedian.

Shookt pa si Vice nang malamang  single mom na si Max. “Nanay ka?! Nagbuntis ka pa niyan?! Nag-alaga ka, nagpadede ka?!” sunud-sunod na tanong ng komedyante.

Kasunod nito, ni-request pa ng co-host ni Vice na si Bela Padilla na lumapit sa kanila si Max sa stage. Dito nasabi ni Bela na kamukha raw ni Max ang Hollywood actress na si Natalie Portman.

Reaksyon pa ni Meme Vice, parang kumikinang-kinang daw ang awrahan ni Max sa malapitan.

Dagdag pang hirit ng Unkabogable Star, “Hindi ko naman kasalanan ito kung bakit ganito ang itsura ko. Kasalanan ‘to ng nanay ko.

“Kung hindi ka nagyosi noong pinagbubuntis mo ko, sana ang ganda ko ngayon,” ang natawa ring sey ni Vice sa kanyang joke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Laugh lang nang laugh si Max sa mga punchline ni Vice tungkol sa kanyang itsura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending