Max Collins hindi nahirapang apihin si Marian, palaban sa bardagulan
SAMPALAN, tarayan at bardagulan ang ilan sa mga eksena nina Marian Rivera at Max Collins na mapapanood sa latest Kapuso series na “My Guardian Alien.”
Si Max ay gumaganap na Venus sa naturang serye, ang major-major kontrabida sa karakter ni Marian sa kuwento bilang si Katherine.
Sa naganap na presscon ng “My Guardian Alien” mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Zig Dulay, natanong si Max kung hanggang saan niya aapihin at mamalditahan si Marian sa kanilang teleserye.
Baka Bet Mo: Marian pinatunayang siya pa rin ang Primetime Queen; Firefly may libro na
“Gusto n’yo ba ng sample, try natin!” tumatawang chika ni Max, na ikinahagalpak din ni Marian. “Joke lang,” bawi ni Max.
View this post on Instagram
Sundot na question sa aktres, mahirap bang apihin ang isang Box Office at Kapuso Primetime Queen? “No. Hindi po ako nahirapan kasi professional po ako, and I love my job as an actress.
“It’s my job, and it’s been fun kasi nag-uusap kami beforehand, e, before the scene. Talagang like, ‘Okay ba na sampalin kita?’
“Ganu’n, ‘Okay ba na saktan kita?’ Okay naman siya, so okay naman sa kanya, okay, di ba, may permission. Basta may permission, okay,” pagbabahagi pa ni Max.
Sabi pa niya tungkol sa kanyang role, marami raw siyang mga quotable quotes sa serye, “It’s been such a joy playing Venus kasi funny talaga. I mean nae-enjoy ko being a kontrabida for the first time, in a light sense.
“Kasi family drama ito, it’s not as mabigat as I’m used to. It’s nice kasi kahit na kontrabida yung role ko dito, parang there’s a lightness, I think, or humor to my character, in a sense, where sa sobrang arte ni Venus, I feel like magugustuhan siya ng mga tao kasi ma-e-entertain sila.
View this post on Instagram
“Mae-entertain kayo sa performance ko. Because it’s something… kakaibang Max Collins ang mapapanood niyo po dito,” sabi pa niya.
“Yung pang-aapi ko kay Marian, yung pang-aapi ko sa kanya ay ano, parang forgiving, parang forgiving for me.
Baka Bet Mo: Marian pinatunayang siya pa rin ang Primetime Queen; Firefly may libro na
“Kasi ano naman, e, as you saw sa AVP (audio visual presentation) parang malalim yung galit ni Venus kay Katherine at kay Tita Nova (Marissa Delgado) may malalim siyang pinaghuhugutan.
“But if you actually watch our scenes, parang may pagka-funny rin yung mga away namin.
“So iyon yung mae-enjoy rin ng mga bata to watch. It’s something that is for the whole family at hindi talaga nila gagayahin,” sabi pa ni Max.
Ka-join din sa cast sina Gabby Concepcion, Raphael Landicho, Gabby Eigenmann, Kiray Celis, Josh Ford, Caitlyn Stave at Christian Antolin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.