Marian Rivera, Dingdong Dantes nag-renew ng vows sa 10th wedding anniversary
LOVE is in the air para sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes matapos silang magkaroon ng renewal of wedding vows.
Ngayong araw, December 30, ibinandera ni Dingdong ang larawan nila na kuha sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City kung saan naganap ang kanilang renewal of vows.
Simple lang ang kanilang intimate event kung saan present kasama nina Dingdong at Marian ang mga anak na sina Zia at Sixto.
Ngayong araw ay ipinagdiriwang mg dalawa ang kanilang 10th year wedding anniversary.
Baka Bet Mo: Marian Rivera sa ‘Unfaithful’ meme: Bigyan n’yo ako ng chance!
View this post on Instagram
Sa ngayon ay tanging pictures lang mula sa naturang event ang ibinabahagi ni Marian at Dingdong sa madlang pipol.
Samantala, nag-post ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang Facebook page ng video at mensahe niya para sa kanyang asawa.
“Happy anniversary, Mahal! [heart emoji] Thank you for the incredible gift of family—my ultimate dream come true. I’m so grateful to share this beautiful journey with you,” sey ni Marian.
Dagdag pa nito, “Here’s to many more adventures together! Love you always!”
Marami naman sa kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta ang nagpaabot ng kanilang mensahe para sa mag-asawa.
“Bagay na bagay talaga!cheers foe more years DongYan,” sabi ng isang netizen sa throwback post ni Dingdong.
Sabi naman ni Ruru Madrid, “Happy anniversary Kuya Dong and Ate Yan! Kayo ang inspirasyon namin sa tagumpay sa karera at pagmamahalan! Godbless sa inyong pamilya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.