Karylle inuusisa sa break-up nila ni Dingdong noon dahil kina Maris, Anthony
MAGING ang “It’s Showtime” host na si Karylle ay nag-trending sa X (dating Twitter) matapos ang pagsabog ng isyung panloloko nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Matatandaang nitong Martes ng gabi, December 3, ginulat ni Jam Villanueva na ex-girlfriend ni Anthony ang madlang pipol matapos nitong ilantad ang palitan ng mensahe ng dalawa habang in a relationship pa ang dalawa.
Chika ng ilang netizens, parang may pagkakapareho raw kasi sa nangyari kay Karylle noon ang kasalukuyang trending topic ng pagtataksil ni Anthony kay Jam.
Dito ay nabanggit nila ang mga pangalan ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Baka Bet Mo: Maris Racal sa pagpatol kay Anthony Jennings: Nagkamali ako and sorry
View this post on Instagram
Matatandaang si Dingdong ang ex-boyfriend ni Karylle bago nito napangasawa ang Spongecola vocalist na si Yael Yuzon.
Chika mg mga netizens, tila ganito rin ang nangyari sa relasyon ng dalawa matapos mag-boom ang tambalan nina Dingdong at Marian noon.
“I think it’s time for Karylle to speak her truth. Ganyang ganyan din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dati. Sumikat lang sa Marimar iniwan na agad si Karylle at Ervic Vijandre. Kung may screenshots ka pa diyan Karylle, ilabas mo na trewww,” saad ng isang netizen.
Maging si Kathryn Bernardo rin ay nabanggit kasabay ng pag-trend nima Maris at Anthony.
“”I have a strong feeling na hindi lang nagsalita sina Kath at Karylle noon kasi masyadong powerful ang mga nasa itaas ng network at inutusan sila tumahimik, and they have a contract with the network to uphold,” comment naman ng isa.
Mayroon namang nagsasabi na sana ay mag-move on na ang mga tao dahil parehas namang nasa masaya at tahimik na buhay ang dalawa at may kanya-kanya nang asawa.
“please leave karylle alone. jusko every cheating/break up issue lagi niyong dinadamay for laughs yung nangyari 15 years ago and everytime, some people share THAT false narrative that was debunked for multiple times already at ang ending tuloy siya pa ang masama,” sey pa ng isang netizen.
Matatandaang maraming lumabas na espekulasyon na si Marian ang naging dahilan ng paghihiwalay noon ni Karylle at Dingdong ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa tunay na nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.