Maris Racal ‘di kinaya ang bashing, nag-deactivate ng Facebook?
TILA hindi na kinaya ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang kaliwa’t kanan na bashing sa kanya kaya nag-deactivate umano ito ng kanyang Facebook page.
Marami sa mga netizens ang nakapansin na hindi na mahanap sa Facebook ang account ng dalaga matapos ang mga inilabas na screenshots ni Jam Villanueva, ang ex-dyowa ng kanyang ka-love team na si Anrhony Jennings.
Ayon sa mga ito, kapag raw ise-search ang pangalan ni Maris sa naturang social media platform ay hindi na ito lumalabas.
Marahil ay nais rin ng aktres na magpahinga mula sa mga ingay at sa mga hindi magagandang komento na sinasabi sa kanya ng mga netizens kaya naisipan na nitong umiwas sa Facebook.
Baka Bet Mo: Anthony Jennings, Maris Racal pinapa-cancel na: Ang lala n’yo! Kadiri!
View this post on Instagram
Samantala, makikita naman na active pa ang Instagram page ni Maris ngunit naka-turn off na ang notification nito.
Pero tila nakagawa pa rin ng paraan ang netizens na pangaralan si Maris sa isyu dahil sa X (dating Twitter) naman ito pinutakti ng mga netizens patungkol sa kanyang bagong “launching”.
Ngunit ibang launching ang nangyari dahil nauna nang inilabas ni Jam ang palitan ng mensahe nila ni Anthony sa kanyang Instagram stories.
Dito na nga nagsimula ang mga mensahe ng disappointment ng madla dahil promising ang taon na ito para kay Maris.
Sa katunayan, wala rin ang dalawa sa naganap na grand media day ng pelikulang “And The Breadwinner Is…” ni Vice Ganda, na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024.
Ngayong araw, December 6, tuluyan nang binasag ni Maris ang katahimikan tungkol sa isyu at kung ano ang kanyang “side of the story”.
Inamin na rin niya na nagkamali siya at nais niyang mag-take accountability sa mga nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.