Kuya Kim sa nauusong ‘screenshot’ scandal: Pwedeng makasira ng buhay
NANINIWALA ang Kapuso TV host at Trivia Master na si Kim Atienza na kapag may ginawa kang hindi maganda sa kapwa mo ay siguradong babalik din ito sa ‘yo.
Nag-share ng advice si Kuya Kim sa mga taong mahilig maglabas ng “resibo” o screenshots sa social media para isumbong sa publiko ang mga taong nagkasala o nanloko sa kanila.
Sa guesting ng TV host sa “Fast Talk with Boy Abunda”, napagdiskusyunan ang iskandalong kinasangkutan nina Anthony Jennings, Maris Racal at Jam Villanueva pati na ang paghihiwalay ng mag-asawang Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes.
Baka Bet Mo: Kuya Kim 58 na sa 2025: Nagbago diet ko dahil ayoko nang ma-stroke uli
View this post on Instagram
Parehong may involved na “screenshots” posting ang dalawang kontrobersya kaya naman super sawsaw ang publiko.
Payo ni Kuya Kim sa mga taong may mga problema at may mga matitinding pinagdaraanan sa personal life, “Itulog mo muna. Pag-isipan mo nang husto.
“Kasi kapag nilabas mo ‘yan, may damage. At maaaring ang damage e, bumalik din sa ‘yo,” esplika ni Kuya Kim.
Dagdag pa niya, “Pero hindi komo hindi legal, ibig sabihin hindi tama. Dahil maaaring hindi legal ‘yong paglabas ng mga screenshot pero ang tide of public opinion nandu’n sa inaapi. Sino ba ang inapi rito?”
Ang punto pa ng TV host, “Pwede ka namang makasira ka ng buhay sa paglabas mo ng screenshot mo. At hindi mo alam ang konteksto ng screenshot na ‘yon. Baka naman iba.”
Ipinagdiinan pa ni Kuya Kim na kapag galit ang isang tao, huwag na huwag malalabas ng kahit ano sa social media dahil siguradong pagpipiyestahan ng netizens ang buhay mo.
Matatandaang naglabas si Jam Villanueva ng mga ebidensya sa umano’y panloloko sa kanya nina Anthony at Maris sa pamamagitan ng pagpo-post ng screenshots ng mga convo ng magka-loveteam sa chat.
Dito nga nalaman ng publiko na ang pagtataksil ni Anthony sa kanyang ex-dyowa dahil pinagsabay daw nito sina Jam at Maris.
Ganito rin ang nangyari sa kaso ng estranged couple na sina Rufa Mae at Trevor Magallanes kung saan may naglabas ng private conversation ng dalawa na naglalaman ng kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.