Vice Ganda na-inspire kay Allan K: Gandang-ganda ako sa bahay niya!
ISA pala ang “Eat Bulaga” Dabarkads na si Allan K sa mga nagsilbing inspirasyon ni Vice Ganda para magsikap at abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Matagal nang kaibigan ng Phenomenal Box-office Star ang kapwa niya TV host-comedian na nakakasama niya noong nagsisimula pa lamang siya sa entertainment industry.
Sa panayam kay Vice ng content creator at drag queen na si Vinas DeLuxe, natanong siya kung sinu-sino sa mga sikat na celebrities ang naging inspirasyon niya para makamit ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
“Marami. Si Regine Velasquez, inspiration ko ‘yan. ‘Yung mga nauna sa akin sa industry, sila John Lapus, sila Allan K.
Baka Bet Mo: Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko
“Inspiration ko sila, lalo na si Allan K, dinala niya kasi ako once sa bahay niya. Nagsisimula pa lang ako, tapos, gandang-ganda ako sa bahay niya.
View this post on Instagram
“Tapos sabi ko, ‘ang ganda naman nitong bahay na ‘to.’ Tapos may swimming pool siya. Tapos sabi ko, ‘hindi ko na maa-achieve ‘to. Sabi kong ganu’n.
“Tapos sabi niya (Allan K) ‘maa-achieve mo ‘yan, baka nga more pa. Sabi niyang ganu’n. Tapos parang na-inspire ako masyado,” pahayag ni Vice.
Sunod na tanong ni Vinas, ano naman ang gusto niyang iparating na mensahe kay young Vice Ganda ngayong naging masaya at matagumpay na nga siya sa kanyang personal life at career.
“Du’n sa young ako, iko-congratulate ko siya. Congratulations kay Tutoy (palayaw noon ni Vice) because eversince you believed that you are limitless.
“May yabang kasi si Tutoy, eh. Pinanghawakan niya yun, tapos marami siyang pangarap.
“Si Tutoy never na-satisfy kaya congratulations dahil yung pagiging ambisyosa mo may pinagdalan sa yo sa mga sumunod na taon ng buhay mo kaya congratulations sa ‘yo!” mensahe pa ng “It’s Showtime” host sa kanyang young self.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.