Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man 'yung gustuhin mo, maibibigay ko | Bandera

Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko

Ervin Santiago |December 31,2021
facebook
share this

Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 07:19 AM

Allan K

NAGING emosyonal ang Kapuso host-comedian na si Allan K nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang namayapang ina sa nakaraang Christmas episode ng “Eat Bulaga.”

Ayon sa veteran comedian, bata pa lang ay pangarap na talaga niya ang maging singer-performer ngunit may isang pakiusap lamang sa kanya ang ina bago tuluyang karirin ang pagkanta.

Sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga”, ibinahagi ni Allan K kung paano siya nagpursige at nagsumikap para maabot ang mga pangarap niya sa buhay.

Kuwento ng komedyante, pinagbuti niya nang bonggang-bongga ang pag-aaral noong bata siya. Sa katunayan, elementary pa lamang ay lagi na siyang kasama sa top students.

Magaling daw siya sa Math noong estudyante siya kaya naman accounting ang kinuha niyang course sa college. 

Atat na atat daw siya talagang maka-graduate na sa kolehiyo para sundin naman niya ang matagal nang pangarap na makapag-perform on stage.

Tandang-tanda pa raw ni Allan K ang paalala ng kanyang nanay na isang teacher — kung talaga raw gusto niyang pumasok sa entertainment industry kailangang makapagtapos at magkadiploma muna siya.

“Para raw kung sakaling hindi ako magtagumpay ay maaari akong magtrabaho sa opisina,” pahayag pa ni Allan K.

View this post on Instagram

A post shared by @allan_klownz


Nang tanungin na siya ng kapwa Dabarkads na si Jose Manalo kung ano ang nais niyang sabihin sa ina ngayong isa na siyang matagumpay na TV host-comedian at negosyante, dito na siya naluha-luha.

Mensahe ng beteranong comedian, “Tama ‘yung mga hiniling n’ya noong araw na kailangan ko munang mag-diploma bago ko tuparin ‘yung gusto ko. At natupad ko naman kung ano ‘yung gusto ko, happy na happy na ako.

“Ang wish ko lang sana ngayong natupad ko na ‘yung gusto ko, sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko. 

“Ang plano ko sana sa ‘yo i-travel ka sa lahat ng lugar na gusto mong marating. Lahat ng sarap sa buhay na gusto mong matikman, ipapatikim ko sana,” emosyonal pang pahayag ni Allan K.

Sabi pa niya, pumanaw ang kanyang ina noong unti-unti na siyang nakikilala sa showbiz kaya hindi na nito nasaksihan ang mga sumunod niyang tagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa ring maituturing na survivor si Allan K dahil sa kabila ng sunud-sunod na kamalasan at trahedyang dumating sa kanyang buhay lalo na noong kasagsagan ng pandemya ay nananatili pa rin siyang nakatayo at lumalaban.

Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…

Allan K mas tumindi pa ang faith kay Lord: Ano pa ba ang katatakutan ko, hello?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending