Kuya Kim 58 na: Nagbago diet ko dahil ayoko nang ma-stroke uli

Kuya Kim 58 na sa 2025: Nagbago diet ko dahil ayoko nang ma-stroke uli

Ervin Santiago - December 15, 2024 - 12:40 AM

Kuya Kim 58 na sa 2025: Nagbago diet ko dahil ayoko nang ma-stroke uli

Kim Atienza

SA darating na January 24, 2025 ay turning 58 years old na ang Kapuso TV host at tinaguriang Trivia Master na si Kim Atienza.

Pero in fairness, kapag nakita n’yo si Kuya Kim sa personal ay hindi siya mukahang magsi-senior citizen na dahil mas bata siyang tingnan sa kanyang edad.

Malaki ang naitutulong kay Kuya Kim ng pagtatrabaho at pagiging active para mapanatili ang kanyang energy at bagets na itsura, isama pa ang hilig niya sa pagta-travel.

Sa presscon ng kanyang renewal of contract bilang celebrity brand ambassador ng Sante International (for Sante Barley), natanong si Kuya Kim kung may balak na ba siyang maghinay-hinay sa pag-e-exercise at pagwo-workout?

“Nagbago ang diet ko because I didn’t want to have another stroke. Kapag nagka-stroke ka, ayaw mo nang maulit. And way to avoid it is really preventive. Good lifestyle, a lot of exercise, rich in fiber food (intake).

Baka Bet Mo: Dimples pumayat kahit 2 buwan hindi nag-workout, may paandar para sa mga working mommy

“Good nutrition. And controlled eating. I control my sugar also, e. And then as far as exercise is concerned, it’s old thinking to say na kapag matanda ka na, therefore you have to slow down your exercising. That’s not true.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“Hindi, that’s not true! Habang tumatanda tayo, the more we should exercise para bumagal ang pagiging matanda natin.

“But we just have to be smart about our exercising. Pag edad natin, late 50s, edad ko, late 50s, kinakailangan strength, mobility, flexibility ang focus.

“Para… alam mo, yung ibang matatanda, hukluban, kasi wala nang core. Dapat ang core natin, pinalalakas natin. Kaya yung matatanda na fit, mukhang bata among other things.

“More functional, more mobile, more flexible. The older we get, the more we should exercise, but smarter.

“Hindi na tayo puwedeng tumalon doon sa gym at magbuhat kaagad. Mas mahaba na ang warm up natin. Ang form natin, mas conscious tayo dahil hindi tayo puwedeng magkamali, pero ang intensity natin, mas mataas.

“Yung sinasabing, ‘Baka magkasakit ka sa puso,’ mas magkakasakit ka sa puso kung hindi ka mag-e-exercise,” tuluy-tuloy niyang paliwanag.

Samantala, muling natanong ang Kapuso TV host tungkol sa napapabalitang pagpalit ng “TiktoClock” sa timeslot ng “It’s Showtime” sakaling hindi na i-renew ang kontrata nito sa GMA 7.

Hanggang sa katapusan na lamang ng December ang kontrata ng Kapamilya noontime show sa Kapuso network

Sey ni Kuya Kim, “As far as TiktoClock is concerned, ang TiktoClock is…we do our best every day. Siguro kaya nasasabi na kami ang papalit et cetera, dahil yung hitsura ng show, parang noontime ang dating e.

“Kasi pre-noontime show siya, e. As far as kami ba ang papalit o hindi, we know that everything is under negotiation. Our bosses are talking.

“The bosses of ABS, the bosses of GMA are talking. Everything is under negotiation. And us in TiktoClock, we don’t know how the negotiations are.

“We wish the best for everyone and for the television. Hindi namin alam,” paliwanag pa ng TV host.

May mga nagsasabi na maligaya at kuntento na ang ilang mga taga-TiktoClock sa kanilang timeslot ngayon dahil walang masyadong pressure at stress.

“Lagi naman kaming happy, e. Ang selling point ng TiktoClock, masaya kami palagi. Basta happy kami palagi,” ani Kuya Kim.

Bukod dito, super happy din si Kuya Kim dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mga kumpanya at produktong ineendorso niya.

“As far as what I’m feeling, I’m feeling blessed dahil ang trabaho ko ay napakaganda at napakadalas. I’m feeling blessed because may Sante family ako, Sante endorsement, and other endorsements that have been quite good as well.

“I’m feeling blessed because my family will be together, we will be going to the States to meet my two kids who are in America. We’ll spend Christmas together. So God has been good to me. I’m feeling good.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I want to be in television and in the public eye in my waning years. Maybe I’ll lessen the frequency, maybe I’ll have one TV show. Or a podcast. I have to keep on doing this. I love television. And I’d love to be on television as long as I can,” dagdag pa ni Kuya Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending