Sofronio nakabalik na ng Pinas: 'I'm excited sa mga mangyayari!'

Sofronio Vasquez nakabalik na ng Pinas: ‘I’m excited kung anong mangyayari!’

Pauline del Rosario - January 06, 2025 - 11:06 AM

Sofronio Vasquez nakabalik na ng Pinas: 'I'm excited kung anong mangyayari!'

PHOTO: Facebook/Sofronio Vasquez

MATAPOS ang historic win, nakauwi na ng ating bansa ang “The Voice” champion na si Sofronio Vasquez!

Ang kanyang pagluwas ay excited niyang ibinandera sa Facebook kahapon, January 5, kung saan ni-repost niya ang isang video habang siya’y nasa airport.

Caption pa niya sa post, “I’M BACK PINAS [Philippine flag emoji].”

Ayon sa report ng ABS-CBN News, dalawang linggo mananatili si Sofronio sa ating bansa at very excited na raw siya sa ilang TV guestings at live performances.

Baka Bet Mo: Sofronio inalala ang advice ni Rey Valera: ‘Ikaw gagawa ng sarili mong swerte’

“‘Nung pa-landing pa lang, parang gusto ko nang tumalon eh,” kwento niya sa entertainment reporter na si MJ Felipe.

Sey pa niya, “Sobrang excited ako to see my mom and of course to be in the Philippines. And to be with people na talagang nagru-root for me…Finally, I get to be back and I’m just excited kung ano ang mangyayari.”

Kasunod niyan, diretso sa rehearsals ang singer para sa inaabangang performance niya sa noontime show na “It’s Showtime.”

Kung matatandaan, nangako si Safronio na ang una niyang bibisitahin pagbalik sa bansa ay ang nasabing programa.

“From Airport to Studio and we are all set for It’s Showtime! Kita kits everyone!” caption niya sa FB post.

Aniya pa, “So good to be back, this studio used to be my working space [smiling face, bee emojis].”

Bukod diyan ay magkakaroon din siya ng pagtatanghal sa ASAP, at may first solo concert pa sa Cebu sa January 18.

Noong nakaraang buwan lamang nang tanghaling grand winner si Sofronio sa ika-26th season ng “The Voice USA.”

Dahil sa kanyang achievement, siya ang kauna-unahang Filipino at first Asian na nakapag-uwi ng nasabing titulo sa naturang international singing competition.

Si Michael Bublé ang naging coach niya na talagang napaiyak nang masaksihan ang winning moment ng Pinoy artist.

Tinalo ni Sofronio ang kanyang kasamahan sa Team Bublé na si Shye, Danny Joseph ng Team Reba, Jeremy Beloate mula sa Team Snoop at Sydney Sterlace ng Team Gwen.

Bilang champion, mag-uuwi si Sofronio ng $100,000 o P5.8 million cash prize, pati record deal with the Universal Music Group kung saan nakakontrata ang mga international artists tulad nina Taylor Swift, Alicia Keys, Harry Styles, Adele, at marami pang iba.

Taong 2022 nang magtungo siya sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang singing career matapos pumanaw ang ama.

Noong 2016 naman nang unang sumali si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” ng Showtime, ngunit hindi na siya nakapasok sa finals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-compete ulit siya noong 2017 at umabot lamang sa semifinals.

Taong 2019 nang bumalik siya sa noontime show upang sumali naman sa “TNT All-Star Grand Resbak” kung saan siya ay nagtapos bilang grand finalist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending