Sofronio Vasquez naiyak nang bumalik sa Showtime, binigyan ng work noon
NAPAIYAK ang Pinoy pride at “The Voice USA” champion na si Sofronio Vasquez nang muli siyang makabisita sa studio ng “It’s Showtime”
Pinatunayan ni Sofronio na napakalaki ng naitulong sa kanya ng noontime show ng ABS-CBN matapos mabigo sa pagsabak at paglaban sa “Tawag ng Tanghalan.”
Napakalaki raw ng tinatanaw niyang utang na loob sa naturang programa kaya habangbuhay siyang magpapasalamat sa lahat ng taong bumubuo nito lalo na sa mga hosts.
Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez: Ang ‘It’s Showtime’ ang unang naniwala sa akin!
Sa panayam ng ABS-CBN, kinumpirma ng singer na totoong kinuha siyang vocal coach sa “Tawag ng Tanghalan” bago pa siya magwagi sa sumali at nagwagi sa “The Voice USA”.
View this post on Instagram
“Ang hindi po alam kasi ng nakararami, after po sa ‘Tawag ng Tanghalan,’ tinulungan po ako ng ‘Showtime’ na magkaroon ng ibang trabaho,” kuwento ni Sofronio sa live guesting niya sa programa.
Patuloy pa niya “Kumbaga sinabi ko na ‘I need work.’ So, kinuha nila ako as vocal coach. Hindi naman po ako vocal coach with technical.
“Ang sine-share ko lang po e experience. Kumbaga paano lumaban sa kaba, kung paano maging effective na makaka-connect sa tao,” dugtong pa niya.
Bago nag-champion sa “The Voice USA” ay naging finalist muna si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2019.
Hindi niya napigilan ang mapaiyak nang muli siyang makabalik sa studio ng “It’s Showtime” kasabay ng pag-alala sa lahat ng mga nangyari sa kanyang singing career ilang taon na ang nakararaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.