Mga bata sa blind audition ng The Voice inutusang si Sarah ang piliing Coach? | Bandera

Mga bata sa blind audition ng The Voice inutusang si Sarah ang piliing Coach?

Ambet Nabus |June 16,2015
facebook
share this

Mga bata sa blind audition ng The Voice inutusang si Sarah ang piliing Coach?

Ambet Nabus - June 16, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

Nakakatuwa ang mga bagets na dumadaan sa audition ng The Voice Kids Season 2 ng ABS-CBN, kapatid na Ervin.

Wise na kasi sila kapag naiikutan ng coaches kung saan kasama nga ang singer-actress na si Sarah Geronimo. Lagi kasing ang Pop Princess ang pinipili nilang maging coach kaya’t nawiwindang sina Lea Salonga at Bamboo.

Sa palagay mo kapatid na Ervin ay may nakapagsabi na sa mga bagets na naiikutan nina Sarah na mas magkakaroon sila ng chance na sumikat at pag-usapan sa showbiz kung sa team Sarah sila pupunta?

Bukod kasi sa mayroong malawak na fan base at social media followers and supporters si Sarah, balita ring mahilig mag-isponsor mula sa kanyang sariling bulsa ang Pop Princess kapag nagsimula na ang text voting.

Kaya masisisi mo ba ang mga kids kung ang dyowa ni Matteo Guidicelli ang piliin nila? Ha-hahaha!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending