Andrew E hindi nagpabayad sa proclamation rally ni Sam Verzosa

Andrew E hindi nagpabayad sa proclamation rally ni Sam Verzosa

Ervin Santiago - April 01, 2025 - 06:20 AM

Andrew E hindi nagpabayad sa proclamation rally ni Sam Verzosa

Sam Verzosa at Andrew E

IN FAIRNESS, ibang klase pa rin ang powers at karisma ng rapper-songwriter na si Andrew E kapag nagpe-perform on stage.

Saksi kami sa napakainit na pagtanggap ng mga Manileño kay Andrew nang kumanta siya sa proclamation rally ng tumatakbong mayor ng Maynila na si Sam Verzosa last March 28 sa Dagupan St., Tutuban.

Talagang nakikanta at nakisayaw ang audience habang humahataw siya on stage. At mas lalo pang lumakas at hiyawan at palakpakan ng tao nang kantahin na niya ang kanyang signature song na “Banyo Queen.”

Nakakaloka ang mga tao sa crowd dahil talagang kabisado nila ang naturang kanta kung saan binago pa ni Andrew ang ilang lyrics at isinigaw ang pangalan ni Sam Verzosa.

Until now ay napakapropesyonal pa rin ni Andrew E dahil maaga pa lang ay nasa venue na siya ng proclamation rally ni SV at kahit umuulan ay itinuloy pa rin nito ang kanyang production number.

Nang makausap naman namin si Sam, todo ang pasalamat niya kay Andrew E dahil hindi ito naningil ng talent fee sa pagsampa niya sa kanilang stage. Meaning, libre nitong ibinigay ang kanyang service kay SV.


Kuwento pa ng tumatakbong alkalde ng Maynila, may commitment pa raw ang rapper that night pero talagang naghintay pa rin siya para makasampa sa rally ni SV.

Pagkatapos ng kanyang performance at  itinaas pa ng OPM icon ang kamay ni SV at inendorso sa pagka-mayor ng Maynila. Sigaw pa niya, “Kung gusto ng pagbabago, si SV ang kailangan.”

Samanrala, bago pa maganap ang proclamation rally, walong oras nag-motorcade si Sam at masaya niyang ibinalita kung gaano karaming tao ang naghintay at sumama sa kanyang mga supporter.

Kaya naman kahit pagod na pagod, kitang-kita pa rin sa mukha ni SV ang sobrang kaligayahan sa pangangampanya.

“Wala na tayong pinapangako, lahat ginagawa na po natin. Libre na po ang pagpapagamot, maintenance medicine, meron po tayong SV Mobile clinics, umiikot po araw araw yan. Hatid natin ang dalawang libong allowance para sa senior citizen.

“Ang problema, sinisiraan na tayo ngayon, sinisiraan na tayo sa social media. Yung pagbibigay natin ng ayuda, ng negosyo, ng franchise business, minamasama po nila. Lahat daw ng itinutulong ko, babawiin ko din daw.

“Alam n’yo gagawin ko, kapag nanalo
tayo, mas dadagdagan ko pa. Ang payo ko sa mga naninira sa atın, gayahin nyo na lang kami. Ang gusto kong makinabang, ang taong bayan,” ani Sam.

Patuloy pa niya, “Unang-una natin dapat solusyunan ay ang Kalusugan. Napakaraming may sakit, namamatay, walang pampagamot, at walang pang-maintenance. Yan ang una nating tutukan. Mga seniors na wala ng kabuhayan at pinagkakakitaan.

“Kailangan din natin tutukan ang Karunungan o edukasyon ng mga kabataan dahil sa kahirapan din. Lahat ng problema nagsisimula sa kahirapan. Hindi ka makapagpagamot at makapag-aral dahil sa kahirapan. Wala rin trabaho. Chain reaction ang lahat.

“Sa gagamitin ko ang tatlong K. Ito ang tatlong K na ginamit ko para maiangat ko ang sarili ko sa kahirapan. Kapag meron na silang tatlong K, meron na silang way para tulungan ang sarili nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag nakapag-aral na sila, meron na silang opportunity sa buhay. Kapag meron na silang Kabuhayan, pwede na rin nilang tulungan ang sarili nila. Mawawala na sila sa kahirapan,” mariin pa niyang pahayag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending