RS Francisco, Sam Verzosa may major-major announcement sa publiko
INAASAHAN ang paglalabas ng official statement nina Sam Verzosa at RS Francisco tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang kumpanya.
Marami ang na-shookt sa ipinahayag ng Frontrow International, hinggil sa pagpapahinto o hindi na pagbebenta ng kanilang flagship product, ang Luxxe White.
Trending agad sa social media ang naturang announcement lalo’t reinforced pa ito ng isang malaking, “Paalam, Luxxe White” billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng mga may-ari ng kumpanya ng actor-producer na si RS Francisco at ni Manila mayoral candidate Sam Verzosa kaya naman ‘di talaga makapaniwala ang fans, loyal supporters, at industry insiders.
Baka Bet Mo: Sam Verzosa naglabas ng ‘resibo’ kontra paninira; Rhian Ramos nag-promise
Wala pang nakaaalam kung ano ang tunay na dahilan at ugat ng isyung ito at patuloy ang mga kung anu-anong espekulasyon sa business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang pagtigil sa pagbebenta ng naturang produkto. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, napanatili ng brand ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers ‘di lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig din ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid, Cha Eun-Woo, Gretchen Barretto, Jinkee Pacquiao, Sachzna, Cristine Reyes, Daniel Padilla, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at Vice Ganda, sa mga nag-endorso ng life-changing benefits ng produkto.
Habang patuloy ang bulungan sa health and beauty industry, abangan na lang natin ang magiging major-major announcement nina RS at Sam sa darating na Sabado.
Actually, nakita at nakausap namin si SV sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ng girlfriend niyang si Rhian Ramos, ang “Sinagtala”, at natanong nga namin kung ano ba talaga ang nangyari.
Pero nakiusap siya na pumunta na lang kami sa Sabado sa presscon ng Frontrow International para sa kanilang magiging official statement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.