Sam Verzosa naglabas ng ‘resibo’ kontra paninira; Rhian Ramos nag-promise

Rhian Ramos at Sam Verzosa
ISA-ISANG inilabas ng TV host at kongresista na si Sam Verzosa ang mga “resibo” para pabulaanan ang mga patutsada sa kanya sa mundo ng politika.
Malumanay at cool na cool na sinagot ni Sam ang mga naging pahayag ng makakalaban niya sa pagka-mayor ng Maynila na si Isko Moreno sa pamamagitan ng isang video.
Ni-repost ng boyfriend ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang video clip kung saan mapapanood ang speech ni Yorme sa isang dinaluhang event.
May sinabi si Isko tungkol sa isang taong namimigay ng bigas at mga de-lata sa mga taga-Maynila. Walang pangalang binanggit ang actor at politiko pero naniniwala ang mga nakapanood nito na si SV ang kanyang tinutukoy.
Baka Bet Mo: Darryl Yap hindi sure kung magso-sorry kay Vic dahil sa Pepsi Paloma movie
Sabi ni Isko, “Nakisali naman yang isa, si pabida, si Superman. Bumabaha ng bigas at de-lata.
“Simple lang ang tanong naming mga taga-Maynila, nasaan kayo noong pandemya?” ang sabi ni Isko.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Noon, kailangan namin ng bigas. Noon, kailangan namin ng de-lata, hindi sila matagpuan. Ang sasarap ng mga buhay nila. Tayo-tayo ang nagkita sa finals, sila nowhere to be found.
“Ngayon, paganyan-ganyan ka pa (pataas-taas ng kamao), parang may giyera. Hindi ninyo kami matotolongges!” ang hirit pa ni Isko.
Isa sa mga pruweba na inilabas ni Sam ay ang video nila ni Isko kung saan nagbigay ng donasyon ang pag-aaring kumpanya na Frontrow International sa mga Manileño noong August, 2020. Si Isko pa ang mayor ng Manila noong kasagsagan ng pandemya.
Nasa video rin ang magkasamang pamamahagi nina Sam at Isko ng bigas sa mga residente ng lungsod pati na ang launching ng E-skwela.
Maririnig si Sam na nagsasalita sa naturang video, “Nakalagpas 20,000 na po tayo ng sako ng bigas na naipamigay. Nakapagbigay na po tayo sa City of Manila, sa Quezon City, sa Davao, sa City of Pasig at sa iba-ibang probinsya.
“Narito po tayo ngayon dito sa Sta. Mesa, Sampaloc, Manila para buksan yung isa na naman pong Frontrow E-skwela natin.
“Ito po ang pangalawa sa maraming eskuwelahan na bubuksan ng Frontrow all over the country. Ito po yang magbibigay ng libreng access sa mga computer, Internet, printing, and maintenance ng mga computer.
“So, nandito po taya para i-inaugurate, together with Mayor Isko Moreno. Nandito po yung Frontrow para magbigay ng tulong,” pahayag pa ni SV.
Ang mensahe naman ni Isko kay Sam, “Maraming-maraming salamat sa inyo. Sana, mamaya uulan, gumitna kayo sa nang dumami pa kayo.”
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon at pahayag nina Isko at Sam hinggil sa isyung ito.
Samantala, going stronger pa rin ang relasyon nina Sam at Rhian. In feyr, more than 100 percent ang suportang ibinibigay ng aktres sa kanyang partner at nangako siya na gagawin niya ang lahat para matulungan si SV sa adhikain nitong makatulong sa lahat ng taga-Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.