Kuya Kim ayaw nang mag-mayor; muling pumirma ng kontrata sa GMA 7
PINATUNAYAN muli ng TV host at Trivia King na si Kim Atienza ang kanyang loyalty bilang Kapuso matapos mag-renew ng kontrata sa GMA 7.
Taong 2021 nang lumipat si Kuya Kim sa Kapuso Network para maging bahagi ng GMA Public Affairs at nito ngang December 2 ay muli siyang pumirma ng kontrata para ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan sa network.
At kasunod nga nito ay ang pagkakaroon niya ng bagong proyekto sa GMA ang latest public affairs show na “Dami Mong Alam, Kuya Kim” na mapapanood every Saturday, 10:45 a.m..
Sa naturang show, Kuya Kim combines humor, relatability, and expertise, delivering trivia and insights kaya iba aniya ito sa mga ginagawa niya – blending entertainment with mind-expanding trivia.
Baka Bet Mo: P200M nga ba na kontrata ang dahilan kaya naging Kapuso si Bea?
“Being on GMA 7 gave me the privilege and honor to be in something that I truly love and I’m passionate about.
View this post on Instagram
“To the Kapuso bosses, thank you very much for taking me in. Thank you very much for taking care of me. Thank you very much for optimizing whatever talent I’m capable of giving. I’m honored and very appreciative of the trust that you give me.
“Sa mga fans naman, magpatuloy po sana ang kanilang suporta. Bilang Kapuso, I will do my best to constantly reinvent myself and put in more passion so that I may fulfill this vocation that God has given me.
“Sa mga Kapuso colleagues ko na nakatrabaho ko sa apat na shows, napakasarap ninyong kasama. Ang trabaho kasama ninyo ay hindi trabaho. Whenever I’m with you, I look forward to that working day because to me it’s not work – it’s a spirit of fun, kindness, and family na talagang damang-dama ko,” ang pahayag pa ng Trivia Master.
Present sa contract signing ni Kuya Kim ay sina GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr.; Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes; GMA Public Affairs First Vice President Nessa Valdellon; GMA Integrated News Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials Michelle Seva; Consultant for GMA Entertainment Group Darling de Jesus-Bodegon, at ang manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer.
Samantala, bago magsimula ang presscon ng “Dami Mong Alam Kuya Kim” ay nakachikahan namin ang TV host kasama ang ilan nating colleagues at natanong sa kanya kung wala na ba talaga siyang balak mag-politika at tumakbong mayor ng Maynila.
“Maraming nagsasabi sa akin, ‘Mayor, tumakbo ulit kayo, kayo ulit ang mananalo. ‘Yun ang kaba ko, eh, baka manalo ako (sabay tawa).
“Hindi ko na kaya ang trabaho ng Mayor,” ang diretsahang pag-amin ni Kuya Kim. Pero aniya, kung babalik man siya sa public service mas gusto niya sa kongreso with his Buhay Partylist na binuo niya noong 1999.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.