Edu, Shaina, Kuya Kim lumalaban kontra piracy: Paigtingin pa ang batas!
BABALA: Mas mataas ang cyberthreat na haharapin ng mga Pilipino sa tuwing gumagamit ng mga pirate site, ayon sa isang pag-aral.
Ito’y nagpapaigting sa halaga ng pagpasa ng batas na magpapahintulot sa site blocking sa Pilipinas – isang panukala na nakabinbin pa rin hanggang ngayon.
Ayon sa pag-aaral ng Motion Picture Association (MPA) at isinulat ni Dr. Paul Watters ng Macquarie University, ang mga Pilipino ay 33 beses na mas maaaring ma-expose sa mga cyber threat kapag gumamit ng mga sikat na website na may pirated content kumpara sa mga lehitimong platform ng pelikula at TV.
Ang pag-aaral na ito ay inilatag sa isang anti-piracy symposium na inorganisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), GMA Network, Inc., at ng Globe.
Baka Bet Mo: John Arcilla nanawagan para labanan ang online piracy: Ito ang pumapatay sa ating industriya’
Ayon kay Watters, nagiging target ng mga pirata ang mga Pilipino dahil sa high internet at mobile data usage sa bansa.
View this post on Instagram
Aniya, kailangan magpatupad ng mga panukala para sa compliance at awareness building tungkol sa panganib na dulot ng paggamit ng pirate sites.
“Site-blocking of the most popular pirate sites is the most effective baseline option,” ani Watters sa isang fireside chat.
Para naman kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe, kailangang agad amyendahan ng Kongreso ang Intellectual Property Code ng Pilipinas upang paigtingin ang laban sa content piracy.
Kapag nagsara na ang session ng kasalukuyang Kongreso at nakaupo na ang bagong liderato pagkatapos ang 2025 elections, balewala na ang lahat ng progreso sa panukalang batas na ito.
“Isinusulong ng Globe ang isang ligtas na digital world. Ipinakikita ng pag-aaral na ito kung gaano kahalaga ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa site blocking upang protektahan ang mga consumer, lalo na ang ating mga kabataan, mula sa mga panganib ng paggamit ng pirate sites,” sabi ni Crisanto.
Mawawala ang lahat ng progreso sa pag-amyenda ng mga panukalang batas kapag natapos na ang kasalukuyang Kongreso at maupo ang mga bagong lider pagkatapos ng 2025 elections.
“Panawagan namin sa Kongreso na ipasa ang mahalagang batas na ito bago matapos ang kanilang sesyon para mas mapaigting ng batas laban sa piracy sa ating bansa,” sabi pa ni Crisanto.
Samantala, nagkaisa naman ang ilan sa mga pinakamalalaking personalidad sa entertainment industry sa bansa para suportahan ang panawagan para sa mas epektibong pigilan ang content piracy.
View this post on Instagram
Sa isang fireside chat na pinangunahan ng TV host na si Pia Guanio, idinetalye nina Team Globe of Good Ambassadors Edu Manzano, Shaina Magdayao, at Kim Atienza, kung ano naging masamang epekto ng piracy sa entertainment industry.
Ayon kay Edu na dating chairperson ng Optical Media Board, noon ay aabot sa 200 pelikula ang nagagawa ng Philippine film industry sa isang taon ngunit dahil sa piracy, bumaba na ito sa 30 pelikula kada taon. Dahil dito, maraming entertainment industry workers ang nawalan ng trabaho.
“It was a tough time because we could not find work for over 9,000 unemployed workers in our industry. We saw the direct effect. Sad to say people show up in the office to ask for a buck or two,” ayon kay Edu hinggil sa dinanas na hirap ng industriya noong unang umusbong ang piracy.
“To this day, I have to say that the industry has not recovered,” aniya pa.
“Right now, with the way it’s going, I personally feel that we need legislation. We have to pressure like-minded members of the House of Representatives and the Senate and let them realize that laws become flawed soon after they pass because technology advances at an amazing pace,” sabi pa ng premyadong aktor.
Ayon naman kay Shaina, nagiging hadlang ang piracy sa paglago ng entertainment industry ng Pilipinas kahit kaya sana nitong makipagsabayan sa ibang bansa.
“At the end of the day, to be honest, as a worker myself, show business is a business. If walang ROI ang producers and investors because people are not willing to go to the cinemas anymore or pay legit streaming channels, producers won’t be investing in our talent and work anymore or even funds to train, educate and hone the talents of emerging filmmakers in the country,” paliwanag ng aktres.
“Lagi ko ring iniyayabang saforeign producers whenever I attend International festivals na maganda ang Pilipinas. We have beautiful locations, beautiful people and talents. But how will we, as talents and as an industry grow and expand if no one invests?
“Piracy limits Filipinos from reaching global cinema na kayang-kaya naman sana natin, given the proper opportunity, help and support,” aniya.
Matagal nang itinataguyod ng Globe ang mas ligtas at responsableng digital space. Bilang isang miyembro ng AVIA-CAP at Video Coalition of the Philippines, aktibong sinusuportahan ng Globe ang panukalang payagan na sa bansa ang site-blocking s ilalim ng Intellectual Property Code.
Naniniwala ang Globe na dapat protektahan ang industriya ng paglikha upang matiyak ang isang sustainable na kinabukasan para sa mga content creator at consumer.
Ang matagal na nitong kampanyang #PlayItRight ay nagpapataas ng kamalayan ng publiko sa mga panganib ng content piracy at nagsusulong ng mas maigting na proteksyon para sa industriya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.