Atong Ang kinumpirmang GF na si Sunshine, patunay ang halikan

Atong Ang kinumpirmang dyowa na si Sunshine, patunay ang paghahalikan

Ervin Santiago - December 18, 2024 - 10:27 AM

Atong Ang kinumpirmang dyowa na Sunshine, patunay ang kissing video

Sunshine Cruz at Atong Ang

CONFIRMED! Magdyowa na nga ang aktres na si Sunshine Cruz at ang kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang.

Ito’y matapos ngang mag-viral ang kissing video ng dalawa sa social media na hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan pa rin ng mga Marites.

Mismong si Atong Ang ang umamin na totoong girlfriend na niya ngayon si Sunshine base na rin sa report na ibinandera ng Bilyonaryo News Channel kagabi, December 17.

Ayon sa news anchor ng “Agenda” sa BNC na si Pinky Webb, kumpirmadong in a relationship na raw ngayon sina Sunshine at Atong Ang at mukhang wala naman silang itinatago sa publiko.

Baka Bet Mo: Gretchen mamimigay ng ‘love box’ sa mga biktima ni Odette; Atong Ang biktima ng fake news

Patunay nga riyan ang nag-viral na halikan ng magdyowa sa social media.


Sa isang kumalat na video, makikitang lumapit si Sunshine kay Atong para halikan ito sa lips.

Sa isa pang hiwalay na video, makikita naman si Atong na lumapit sa aktres at hinalikan din ito sa labi. Pinaniniwalaang kuha ang mga ito sa loob ng sabungan, base sa mga comments ng netizens.

Matagal nang natsitsismis na may relasyon sina Sunshine at Atong pero ngayon lang ito kinumpirma ng bilyonaryong negosyante.

Bago niya naging boyfriend si Atong, six years din ang itinagal ng relasyon ng aktres kay Macky Mathay.

Taong 2018 naman nang mapawalang-bida ang kasal ni Shine sa ex-husband niyang si Cesar Montano kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak.

Kung matatandaan, na-link din si Atong kay Gretchen Barretto na palagi niyang kasama noon sa pagsasabong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero walang naging kumpirmasyon o pagdedenay ang dalawa kung nagkaroon din ba sila ng relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending